Pumasok ako kinabukasan na parang walang nangyari. Sinalubong ako ng mga kaibigan ko, kitang kita ko na pag-aalala sa kanilang mukha.
"Ayos ka lang ba Lia?!"
"Sayang at wala kami doon. Baka nakapatay kami kung ganoon!"
"Dapat sa ganoong lalaki ay kinukulong!"
Nakakatuwa lang magkaroon ng mga tunay na kaibigan. This is my first time that to have true friends like them. Wala talaga akong balak makipag-kaibigan sa kahit na kanino dahil alam ko namang balang araw ay mawawala din ito o di naman kaya ay mawawalan din ng komunikasyon sa isa't isa.
But I've realized something when I met them. When you find true friends, you also find a new family.
"Ayos na ako." sinigurado kong ayos na ako at nginitian sila.
"Balita ko ay bugbog sarado daw iyon kay Ethan ah. Kung hindi pinigilan ni Ethan ang sarili niya ay baka napatay niya iyon." sabi ni Anna.
Malaki ang utang na loob ko kay Ethan.
"Paano pala nalaman ni Ethan na nandon ka?" tanong naman ni Via. Hindi ko siya masagot dahil hindi ko din naman alam ang dahilan kung paano niya nalaman na nandoon ako.
Kagabi ay tinawagan ako ni Ethan. Kinamusta niya kung ayos lang ba ako at kung kumain na ako. Sa una ay nahiya ako bigla dahil ito ang unang pagkakataon na nakausap ko siya sa telepono.
Kahit sa telepono ay maririnig mo ang tikas ng kanyang boses.
From Ethan:
Good morning.
Kanina ay nag message din siya akin. Nakita ko nalang ang sarili kong nakangiti sa kanyang mensahe pero hindi ko siya nareplyan, wala pala akong load.
"Mukhang close na close na kayo ni Fafa Ethan ah." sabi ni Alliyah sakin.
"Gusto ko si Ethan para sayo Lia, kaya lang ay di ako sigurado kasi naman ay natatakot ako na baka saktan ka ni Hera." sambit ni Via.
"Di naman ako gusto ni Ethan, baka gusto niya lang akong maging kaibigan."