"I've never seen you wearing a necklace before? Kanino galing? It suits you." he said while holding the necklace that Cali gave to me before.
Kasalukuyan padin kaming nakaupo sa kanyang kama. It feels awkward a while ago but it feels okay now. I still didn't know when I will going to say yes to him. Pinag-iisipan ko pa ng mabuti. I don't like to be hurt lalo na at ito palang ang unang pagkakataon na may nanligaw sakin na isang tao na gusto ko din.
"Bigay ni Cali sakin noong nakaraan." agad niya namang inalis ang kamay niya roon, I saw his eyebrows furrowed.
"Bago mag battle of the bands?" he asked me.
"Oo, niyaya niya akong magpunta sa mall tsaka doon din siya umamin sakin." mahina kong tugon.
"Sinabi nga sakin ni Alliyah na magkasama kayo." he said. It is evident that his voice became cold. Napakaseloso.
"Nilibre niya lang ako."pagpapaliwanag ko sakanya.
"Then why are you wearing the necklace that he gave to you? Do you like him?"
"N-no! Hindi Ethan! Maganda kasi tsaka sayang naman kung hindi ko susuotin." baka mabulok lang sa bahay kapag hindi ko ito sinuot. Maganda rin at simple ang disenyo kaya ko sinusuot.
"Sino ang gusto mo kung ganon?" nakita kong hinihintay niya ang isasagot ko. Titig na titig din siya sa mata ko at naghahanap ng sagot roon.
"Hindi ko alam." ayokong sabihin na gusto ko siya. Sa tingin ko ay hindi pa sa ngayon, kailangan ko muna siyang makilala ng lubusan.
Hindi na siya nagtanong pa. Buti naman, ayaw kong mahuli niya ako.
"Ethan, kailangan ko na umuwi. Gumagabi na din kasi." tumayo na ako sa kama.
"Dito ka na kumain." pagaaya niya sa akin.
"Hindi na Ethan. Ayaw ko din kasing gabihin."
"Ihahatid naman kita Lia." sagot niya sa akin. "Please?" tumango na lamang ako. Ang sarap niyang tignan pag nagmamakaawa.
"Sige. Marunong ka ba magluto?" paghahamon ko sakanya.