One

142 51 20
                                    

Bakasyon na at kakatapos lang ng moving-up namin. Buti nalang at gumraduate akong With Honors, di nadin masama. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung saang school ako magsi-senior high. 



"Anak, saang school ba ang gustomo? Basta wag lang sa may mataas na tuition at baka hindi natin makaya." tugon ni mama. San kaya? Hanggang ngayon ay wala padin akong maisip.



Ewan ko ba. Mula Grade 7 to Grade 10, medyo madami naman akong kaibigan kaya lang ay wala talagang yung tipong super close. Panay lang kasi ako aral at uwi, hindi naggagala, mas gugustuhin ko pang matulog nalang sa bahay o di kaya ay tulungan si mama sa gawaing bahay. Wala tuloy akong kasama mag enroll ngayon. 



Mabuti nalang ay nag chat yung isa kong kaklase sakin. Nagpapasama siya na magenroll sa Westview High. Balita ko ay mahirap daw makapasok doon. Matatalino daw ang karamihan pero meron din namang hindi at nadaan lang sa pera. 



Madami din daw mayaman sa school na 'yon. Pero kapag nakapasa ka naman daw sa scholarship exam nila, ay ayon! Wala ka nang babayarang tuition. Siguro ay afford na naman nila mama yung ibang expenses, kaya sumang-ayon ako. 



Hindi ko naman hinihiling na makapasok sa school na' yon. Pero pag nakapasok edi mas maganda para di na ko magkaroon ng problema kung saang school ako papasok. 



Kinabukasan ay nag exam ako kasama itong kaklase ko. Pagpasok ko palang ay nalakihan agad ako sa school na ito. Pati ang gate nito ay pormang pang-mayaman talaga. Iyong nakikita kong magagandang gate sa pelikula, pang hindi gate ng pangkaraniwang paaralan. 



"Wow!" literal na napanganga ako sa aking nakita. 



"Sana makapasa tayo!" singit ni Flor. Kaklase ko. Mabuti nalang pala at naisipan akong isama ng isang ito. 



"Sana nga." tipid kong sabi. Anong kayang feeling ng mga estudyante sa school na ito?



Nakita ko na medyo madami nang tao. Daming mage-exam ah. Hindi na ako gaanong nagreview, medyo lang. Stock knowledge nalang. Kaya yan! 



Medyo natagalan din ako sa page-exam. Anak ng pucha naman! Ang hihirap ng tanong, lalo na sa math. Pero medyo maayos naman yung iba. Yung iba ay napagaralan pero yung iba ay nakalimutan ko kung napag-aralan ba namin dati. 



Pagkatapos kong mag-exam ay lumabas na ako sa room na pinag-examan ko. Nakahinga na ko ng maluwag. Buti nalang at tapos na, nakakapagod kaya mag-exam, mas gugustuhin ko pang magbasa ng isang buong libro kaysa magsagot ng sandamakmak na tanong. 



Nakita ko na din ang kaklase ko. Nilapitan ko siya.

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon