Ten

62 26 9
                                    

Habang lumalaki, si mama lang ang lagi kong kasama. Paminsan-minsan kong nakakausap ang aking ama pero hindi na kami nagkikita ngayon. I am only 5 years old the last time I saw my dad. Si mama na ang nagtaguyod sakin simula noon.



Mahirap pag OFW ang isa sa mga magulang. Nakakapagdala nga ng pera ng maayos pero lagi namang wala sa tabi mo. Minsan ay nagtataka ako kung bakit ang ibang OFW ay umuuwi every year at ang papa ko ay hindi.



Minsan ko na ring natanong ang ganyang bagay kay mama pero di niya naman ako sinasagot ng maayos. Parang may itinatago siya akin pero inisasa-walang bahala ko nalang. I trust my mom, maybe she has a reason on why she's keeping a secret from me.



Mabilis natapos ang limang araw na pahinga at ngayon ay balik nanaman kami sa eskwela.



Nasa cafeteria kami ngayon dahil recess na.



"Naiinis ako kay daddy! Kinuha ang cards ko kasi panay daw ako bili ng gamit!" naiinis na sabi ni Alliyah.



"Baka naman kasi kahit hindi mo kailangan ay binibili mo."



Napakaswerte talaga kapag pinalaki kang mayaman, kahit anong gusto mo ay mabibili mo. Minsan ko ding pinangarap na sana ay lumaki ako sa isang mayamang pamilya pero naisip ko ang realidad, magsisikap nalang ako para makamit ang mga layunin ko sa buhay.



"Anong susunod na klase?" tanong ko sakanila.



"Per dev." maikling sagot ni Via.



"Wala si Sir! May meeting daw sabi ni Dorothy."



Yun! Buti nalang at wala si Sir, sa totoo lang ay napakaboring niyang teacher, di ko alam kung may natututunan ba kami sakanya, halos buong klase ang may ayaw sakanya.



"Anong gagawin natin kung wala si Sir?" tanong ko sakanila.



"Edi wala."



Hindi kami natakot kahit malate kami ng pasok sa susunod na subject dahil wala naman si Sir at last subject nanaman iyon. Wala naman si Sir pero bawal pading umuwi, hindi pa naman kasi tapos ang class hours.



Nakasalubong ko pa kanina si Cali at nag-usap kami saglit. Habang kausap ko siya ay bigla kong naalala si Ethan. Ibabalik ko pala ang t-shirt niya. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw.

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon