I felt that my heart broke into pieces after the confrontation that happened between me and Ethan. Maybe this feeling is just an infatuation, mawawala rin kaagad ito.
Yes, I admit that I love him.. but I'm not that sure yet na siya na talaga. We're still young, this feeling will fade easily for sure. Ayoko rin na magkaroon pa ng gulo sa pagitan ng pamilya namin. May sakit si mama kaya dapat ay iyon ang priority ko ngayon.
Hindi ako pumasok ngayong araw. Ito ang unang araw na aalagaan ko si mama sa ospital. Ang sabi ng doktor ay kailangan daw muna siyang i-test muli bago makalabas, at sa tingin ko ay medyo matatagalan pa ito.
"Anak.. salamat." she held my hand and smiled at me. Sinuklian ko siya ng ngiti.
I am the one who must be thankful here. You are the one who gave me life, kung tutuusin ay kulang pa itong mga ginagawa ko ngayon. You are the main reason on who I am today.
Sila Alliyah na daw ang bahala sa akin, papahiramin nila ako ng notes at babalitaan sa mga ginawa nila sa school. Mabuti nalang at nariyan sila kundi ay mahihirapan akong maghabol pagbalik ko.
Mamaya ay bibisita sila dito. Kaya ngayon ay inaabala ko muna ang sarili ko sa pag-aalaga kay mama. May kaunting kwentuhan rin para naman maging maayos kahit papaano ang nararamdaman niya. Pero syempre ay hindi ko kinukwento sa kanya ang sa amin ni Ethan, baka makagulo lang kapag sinabi ko pa. Baka mag-alala pa siya sa kalagayan ko ngayon.
Hindi rin kasi alam ni mama na ang kinakasamang-babae ni papa ay ang mommy ni Ethan. Nanahimik na lamang ako patungkol roon at ang mga school works at activities nalang ang kinwento ko.
Umuwi na si Aling Teresa sa kanila kagabi pa, aasikasuhin niya rin kasi ang mga anak niya kung kaya't hindi na siya pwedeng magtagal pa. Nagpasalamat ako sakanya dahil kundi dahil sa kanya ay baka napano na si mama.
Nang matapos ang klase ay agad pumunta dito sila Alliyah. Nagtext sila sa akin na nasa baba na sila kaya agad ko silang sinalubong sa labas ng room ni mama.
Niyakap nila ako pagkarating nila.
"Asan na si tita?" tanong ni Anna.
"Baka nagpapahinga pa, Lia. Ayos lang ba na pumasok kami?" ani Via.
"Hindi ayos lang, gising siya ngayon. Nakapagpahinga na siya kanina."