Twenty-one

47 9 1
                                    

Hindi ko alam kung kukunin ko ba ang I.D. ko kay Ethan. Nakakainis naman itong si Cali! Saan niya ba nilagay yung I.D. ko at nakuha iyon ni Ethan? Hindi man lang inalagaan ng maayos, palibhasa ay hindi naman sakanya.



Maaga akong pumasok ngayong araw. Sinigurado ko na kagabi pa na wala akong naiwan na gamit. Ayaw ko nang manghiram pa sa iba kung ganito lang naman ang mangyayari.



Natanaw ko agad si Ethan malapit sa gate. Hindi dapat ako kabahan dahil kukunin ko lang naman yung I.D. ko pero hindi ko maitago na ang lakas ng tibok ng puso ko habang papalapit sa kanya.



"Akin na." bungad ko sakanya. Nagulat naman siya sa presensya ko.



"Sinabi ko bang ibibigay ko sayo?" nakangisi niyang sabi.



"Hindi ako nakikipagbiruan dito Ethan!"



"Hindi din ako nakikipagbiruan." kibit-balikat niyang sabi.



"Ano ba?!" sigaw ko sakanya pero wala siyang pake kahit namumula na ako sa inis. "Akin na kasi!"



"Naiwan ko sa condo ko." he licked his lips then look at me.



"Huh?! Ako ba pinagloloko-loko mo?!" inis kong sabi sakanya. Sinasadya niya ito panigurado!



"Pati I.D. ko nakalimutan ko." nakanguso niyang sabi.



"Bahala ka dyan! Makikiusap nalang ako sa guard na papasukin ako!" nagmartsa ako papunta sa guard. Sinundan niya lamang ako.



"Kuya Guard. Nakalimutan ko po kasi yung I.D. ko. Baka naman po pwedeng pumasok, ngayon lang naman po eh. Please." nag puppy eyes pa ako kay kuya. Sana makalusot!



"Bakit ka nagpapacute dyan?!" sigaw ni Ethan sabay hila sa akin palayo kay Kuya Guard. Agad naman akong nagpumiglas.



"Manahimik ka dyan! Kasalanan mo ito!"



Pumunta ulit ako kay Kuya Guard.



"Pasensya na. Bawal talagang pumasok dito sa school. Sabay turo niya sa 'No I.D. No Entry.' na sign." napakamot pa siya sa kanyang ulo.



"Makulit ka kasi. Sinabi na nga sa iyo na bawal." nakapamulsang sabi ni Ethan sakin sabay tingin sa guard. Bawal maki-usap?! Napakahigpit naman pala ng school namin at ngayon ko lang napagtanto dahil ngayon lang naman ako pumasok ng walang I.D.

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon