Difficult roads often lead to beautiful destination, eto nalang ang pinanghahawakan ko sa ngayon. Sa taon na ito ay masyadong maraming nangyari ng hindi ko inaasahan. There are people who came and there are also people who said goodbye. What most of the people say is true, we don't met people by accident. Everyone is meant to cross our path for a reason.
"Lia! May dala kaming pagkain!" sigaw ng kaibigan kong si Alliyah.
Dahil bakasyon ay nandito nanaman sila, laging nakatambay sa nirerentahan kong maliit na apartment. Minsan ang sarap i-lock yung pinto para di na makapasok 'tong mga to eh. Pero sa totoo lang, masaya ako na lagi silang nandyan sa tabi ko. They are the ones who comfort me when I am alone.
"Bakit nandito nanaman kayo? Aba' y patahimikin niyo naman ako kahit isang araw lang."
"OA mo naman. Alam naman naming miss mo na kami e" sabi ni Via.
Paano ko sila mami-miss, eh halos araw-araw sila nandito.
Habang ginugulo nila ang kwarto ko ay pinagdesisyunan ko munang tignan yung mga lesson namin last school year.
"Ano nanaman yan Lia?" tanong ni Anna.
"Ah. Wala. Tinitignan ko lang yung balancing natin last school year."
I'm an ABM student. Grade 11 ako last year at basically Grade 12 na ko this year. Hindi 'ganon kadali maging ABM student lalo na yung Fundamentals of Accounting. Nakakahilo. Noong unang araw ko sa school ay nahirapan din ako mag-adjust dahil nga transferee ako. Buti nalang nakilala ko 'tong mga babaitang ito kaya medyo gumaan ang buhay ko sa school.
"Wag mo na balikan ang masasamang ala-ala natin sa subject na yan Lia. Kinikilabutan ako." pabirong sabi ni Alliyah.
"Oo na. Tinignan lang naman' e."
Wala namang pinagkaiba yung Junior High sa Senior High. Char. Meron talaga. Sa Senior High kasi nagbabago ng subject every sem, 'di tulad nung Junior High pa ako, pare-parehas lang yung mga subjects.
"Ayos ka na ba Lia?" tanong ni Alliyah.
"Oo naman." tipid kong sabi kahit hindi pa. Masyadong madaming nangyari ngayong taon sa buhay ko, akala ko ay magiging simple lang ang buhay ko gaya ng isang simpleng tao pero nagkamali ako. There are many things that have changed now and I think the things that I have been through has changed my heart.