Hindi pa nagsisimula, natapos na agad. Masakit. Gusto ko siya pero ayaw kong magkagulo pa. Paano kapag nalaman ng pamilya niya ito? Magkakagulo malamang. Masyado silang makapangyarihan baka sa huli ay ako lang ang masaktan o kaya ay si mama.
Mga ilang araw ang lumipas ay hindi na muling nagpakita sa akin si Ethan. Mas maayos iyon para sa akin kaya lang ay balitang-balita sa buong school ang pambababae niya. Iba't ibang babae kada araw.
"Anong nangyari Lia? Maayos pa kayo ni Ethan noong nakaraan tapos ay malalaman namin na nambababae na?" galit na sabi ni Alliyah. Panigurado ay galit siya kay Ethan, hindi niya alam ang nangyari dahil hindi ko pa sinasabi sa kanila.
Sa susunod na araw ang birthday ni Cali. Nahihiya akong pumunta dahil sa pambabasted ko sakanya pero ang sabi niya ay ayos lang naman daw, pumunta daw ako bilang kaibigan.
Nagalit pa siya kay Ethan dahil sa balitang pambababae niya. Sinabi ko sakanya na ako ang may kasalanan nito, hindi niya naman maintindihan ang pangyayari dahil hindi naman ako nagbigay ng kung ano.
Pinalayo ko siya sa akin kaya kasalanan ko.
Nilapitan din ako ni Hera noong araw na iyon.
"Salamat at pinalayo mo si Ethan sayo. Your decision is good, hindi niyo masisira ang isa't isa."
Hindi ako nagsalita sa sinabi niya at umalis nalang sa harap niya. Yes, I think that my decision is right but my heart feels hurt about the decision that I made.
Buong araw akong walang gana, nakakapagod pala ang madaming problema. I want to talk to my dad pero ayoko naman ngayon dahil sobra pa ang galit ko sakanya. Baka kung ano pa ang masabi ko. I must also think of the consequences.
We have a test on Gen Math today, last subject para ngayong araw. Hindi ako nakapagreview kagabi kaya hindi ko alam kung may maisasagot ba ako ngayon. Hinaluglog ko ang bag ko at hinanap ang aking calculator. Shit! Naiwan ko pa yata!
Agad akong lumapit kay ma'am para sabihin na hindi ko nadala yung scientific calculator ko. Ang iba ay nakalimutan din palang magdala kaya pinalabas niya muna kami para maghanap ng calculator.
Pumunta kami sa STEM sections, ang iba ay ayaw magpahiram dahil hindi daw naibabalik sa kanila. Kapag nanghihiram ng calculator ay kailangan mong ibigay ang I.D. mo sakanila para masigurado nila na ibabalik mo talaga yung hiniram mo.
Pumunta kami sa ABM 201. Kinabahan pa ako dahil dito ang classroom nila Ethan. No choice ako. Kumatok ang isa kong kaklase. Buti nalang at wala pa silang teacher.