Three

98 49 2
                                    

Isang linggo na ang nakalipas. Medyo nakapag-adjust na ako dahil sa mga naging kaibigan ko pero lagi akong nale-late. Masyado kasing matagal ang byahe tapos ay naghihintay pa ako kung may bus na darating.



"Anak, mag rent ka nalang kaya ng apartment." pangungumbinsi ni mama. Sa  totoo lang ay naisip ko din ito kaya lang ay gastos lamang.



Nahihirapan kasi ako bumyahe. Pabalik balik pa pag may nakalimutan ako tapos nakakapagod din pero ayaw ko naman ng dagdag gastos. Kaya pa naman.



"Gastos pa 'yon ma" sabi ko kay mama dahil totoo naman ito.



"Okay lang anak. Kaya naman natin" saad ni mama. Ang isa pang dahilan kung bakit ayaw kong mag apartment ay dahil ayaw kong maiwan mag-isa si mama dito sa bahay. Mag-aalala lang ako at baka hindi ako makatulog ng maayos.



"Wala kang kasama dito. Lagi lang ako magaalala sayo." pangungumbinsi ko.



"Anak. Ano ka ba? Ayos lang sa akin." nakangiting sabi ni mama kaya parang lalong ayaw kong umalis. Palagi nalang iniisip ni mama ang kapakanan ko, napakaswerte ko sakanya.



"Sige po. Pero pagiisipan ko po muna." pero sa totoo lang ay sigurado ako na hindi nalang.



"Nakahanap na ako anak." sabi ni mama sakin. Grabe napakabilis naman ata, ni hindi niya pa ako kinakausap sa bagay na ito.



Siguro ay ayaw lang talaga akong nakikitang pagod ni mama. Sumangayon na lamang ako para hindi na kami magtalo pa.



"Sige po ma, basta po ingat nalang po kayo dito palagi, dalawin niyo nalang po ako o di po kaya ay ako ang dadalaw sa inyo." sabi ko sabay yakap sakanya.



Medyo malapit na sa school ang inuupahan kong maliit na apartment sa school. Hindi siya ganon kalakihan, pero napaka-ayos at malinis naman ang loob. Mabuti na lang at marunong ako ng mga gawaing bahay kaya makakaya kong mag-isa kahit hindi ko kasama si mama.



"Oh bakit nandito kayo?" gulat kong sabi nang buksan ko ang pinto. Nandito kasi sila Via.



"Dumadalaw malamang." sagot ni Alliyah habang tumatawa at tinignan ang loob sabay pasok



Sa nakaraang isang linggo ay napagtanto ko talagang mababait sila. Masungit paminsan-minsan pero halata ko naman na nagaalala sila sakin palagi. Tunay na kaibigan, hindi ko iyon ipagkakaila.

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon