Sixteen

45 12 6
                                    

I can't believe that Ethan is courting me now. Ibang-iba sa naramdaman ko noong sinabi ni Cali na liligawan niya ako. Something feels different and I can't hide the happiness that I feel right now.



Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko, sinabi ko sakanila na nanliligaw na si Ethan sa akin. Nakita kong tuwang-tuwa sila.



"Si Ethan manliligaw? Mukhang bumaliktad ang mundo ah." nabalitaan ko nga na hindi naman talaga nanliligaw si Ethan sa mga babae dahil sa totoo lang, mga babae ang nanliligaw sa kanya.



Kumalat narin sa school na nililigawan ako ni Ethan. Hindi ko alam kung paano at bakit. Sa totoo lang ay nangangamba ako, paano na ang pagkakaibigan nila ni Cali. Dati ko nang nabasa sa libro na nasisira ang pagkakaibigan dahil sa pag-ibig pero hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin. I hope that their friendship will not end because of me.



I think that it is true that something that you don't expect will come to your life.



Hindi ako sanay na pinagtitinginan ako ng karamihan. Sa tuwing maglalakad ako ay andaming nakatingin ng babae. I saw that they're judging me on the way that they look.



Hindi parin tapos ang Intramurals. Kahapon ay lumaban kami na ako sa basketball girls. Grade 11-A ako at ang kalaban namin ay Grade 11-B. Nanalo kami, nakakapagod pero kahit papaano ay marami naman akong nai-shoot na bola.



Ibang-iba ang basketball girls sa basketball boys, kahit hindi na kami mag dribble ay ayos lang. Walang three seconds violation o kaya naman ay traveling. Basta kunin mo lang ang bola at i-shoot ito sa ring. Kaya lang ay mahirap din dahil ang daming babantay sa iyo. Nagkakasakitan pa.



Ngayong araw ang second game namin ang makakalaban namin ay Grade 12-B. Hindi naman ako dapat kinakabahan dahil laro lang naman ito kaya lang ay sinabi sakin ni Ethan na manonood siya kaya kinakabahan ako. Hinanap ko kung nasaan siya pero hindi ko siya makita. Wala pa siguro siya.



Pumunta na kami sa court at naghanda na. I saw Hera walking towards my direction at huminto sa gilid ko.



"I warned you already Lia, sinabi kong layuan mo siya pero ano?" halata ko ang panggigigil sa kanyang boses.



"I like him." I said bravely. I heard her laugh sarcastically.



"Pagpilitan mo pa ang sarili mo." hindi ko talaga alam kung ano ang pinagsasabi ni Hera sakin. Yes, I know that Ethan is a playboy. I've been warned so many times but I trust him.



Nagsimula na ang laban. Jump ball ang una, nakuha ito ng kakampi ko at ipinasa sa isa kong kakampi, konting takbo palang ay pagod na ako. Bakit ba ang init?

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon