Naging masaya ang mga araw ko kasama si Ethan. But somewhere inside me, I feel selfish, hindi ko inisip ang magiging reaksyon ni mama tungkol dito.
Palagi kaming magkasama ni Ethan. Ngayon ang birthday ni Cali, na-move lang ang celebration. Sa Sabado nalang daw para walang pasok.
Mayroong program sa grounds, exclusively for Senior High students only. May ginawang program yung SHS Student Council para maging mas maging close ang mga SHS students sa isa't isa. Nahirapan pa daw silang manghiram ng oras, kaya dapat daw ay walang tatakas sa program.
Parang program narin for Grade 12 students dahil aalis na sila sa school, sinama lang yung Grade 11 para kilala nila yung mga tutularan nila as well as yung mga ginawa nila dati.
Medyo mainit ang panahon pagkatapos ay may menstruation pa ako. Ang malas ko, gustuhin ko mang tumakas ay bawal naman.
Halos magsiksikan kami para maka-upo sa mga naka-set na upuan.
"Ang init naman! Bakit kasi ngayon pa, napaka-init pa naman ng panahon!" pagrereklamo ni Alliyah.
"Lia, namumutla ka na ata diyan, hindi pa nga nagsisimula." kanina ko pa nararamdaman yung pagsakit ng puson ko. Sinumpong pa ng dysmenorrhea.
"Ah wala lang 'to. Ang sakit kasi ng puson ko." hindi ko pinakitang nahihirapan na ako dito.
"Sige. Basta sabihan mo kami kapag hindi mo na kaya. Dadalhin ka agad namin sa clinic.
Hindi naman buwan-buwan sumasakit ang puson ko kapag meron ako, kapag sinumpong lang talaga. Dati ay nahimatay at nagsuka pa ako sa classroom dahil dito. Wag naman sana ngayon.
Nagstart na ang program. May video sa harap na ipinakita yung mga ginawa ng mga Grade 12 students noong Grade 11 pa sila pati narin yung mga memories nila this year. Makikita mo na napakasaya ng batch nila. Nagpalakpakan kami pagkatapos.
Sa init ng panahon ay pawis na pawis na ako. Pinapaypayan na ako nila Alliyah dahil andami ng pawis ang lumalabas sa katawan ko pagkatapos ay parang naiirita na ako sa paligid.
"Matatapos na ba?" tanong ko kay Alliyah.
"Kakaumpisa pa lang Lia. Baka mamaya pa ito. Dalhin na kaya kita sa clinic."
"Mamaya, kaya pa naman." napahawak ako sa puson ko. Ang sakit talaga!