Nakapila ang lahat ng students sa grounds. Today is the opening of Intramurals at mamayang gabi ang Battle of the bands kung saan ay magpapakitang gilas ang mga estudyante na magaling kumanta at passion ang pagtugtog ng mga instrumento. Mayroon din daw sikat na banda na darating, hindi namin alam kung sino. Abangan nalang daw namin.
Kanina ay tumawag sakin si mama, nangamusta kung ayos lang ako, hindi na kasi ako nakakauwi dahil sunod-sunod ang activities sa school. I miss my mom a lot, I noticed that her voice was sad, sinabi ko sakanya na siya nalang ang bumisita sa akin pero hindi niya naman ginagawa.
Ngayon gaganapin ang cheerdance, pagkatapos ng parade ay magpeperform na kami.
Makikita din na pinaghandaan ng mabuti ang event, may mga booth na nakakalat sa paligid. Gawa ng Junior High students, sila ang namahala dito. Madaming mga booth at ang pinaka-inaabangan ay ang Marriage Booth.
Bukas pa magsisimula ang mga booth at sports.
Grade 11 students are wearing blue shirt while Grade 12 students are wearing black shirt. Favorite color ko ang black, dapat ay black nalang ang amin.
Nang matapos ang parade ay dumeretso kami sa mga classroom para mag-ayos sa cheerdance. Ngayon din gaganapin ang Mr. at Mrs. Intrams, pagkatapos ng cheerdance. Syempre ay susuportahan namin ang panlaban ng aming section mamaya.
Simple lang ang suot namin. Short white palda, blue shirt na may nakaprint na Blue Falcons, dahil iyon ang pangalan ng amin batch at white sneakers.
Bumaba na kami pagkatapos mag-ayos.
Nasa baba na ang lahat. Sa totoo lang ay kanina ko pa hinahanap si Ethan, wala kasi siya nung parade at hanggang ngayon ay wala padin siya dito.
Nagsimula na ang Grade 7, tutok na tutok kami sa bawat performance, medyo matagal pa kami dahil sunod-sunod ang performance. Mauuna ang Grade 7 at mahuhuli ang Grade 12.
Habang naghihintay ay nagcellphone muna ako at sinamahan si Via sa cafeteria, pagkatapos ay bumalik at nanood muli.
Nakakatuwang tignan ang lahat ng section at batch. Pero mas nakakatuwang tignan ang Grade 12. Last year na nila dito, kitang kita sa kanilang mga mata at hitsura ang kagustuhang manalo.
Sila ang mga ate at kuya namin dito sa school. Paano kaya kapag kami na ang nasa posisyon nila?
Sa bilis ng oras ay hindi ko namalayan na kami na pala ang magpe-perform. Hindi naman ako kinakabahan ng husto dahil madami naman kami at panigurado namang hindi ako mapapansin kahit magkamali pa ako.