Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isipan ko ang sinabi ni Hera. I don't know if Hera really cares for me. She wanted me to stay away from Ethan dahil masasaktan lang daw ako sa mga binabalak niya. What is Ethan's plan? And why did I become his target?
Noong mga nakaraang araw ay madaming nagtataka kung bakit hindi na nila nakikita si Ethan na may kasamang iba't ibang babae. Nasanay silang iba't ibang babae ang kasama nito araw-araw kaya bigla silang nanibago.
And these past days, Ethan gave me motives that he like me, ramdam ko iyon, kaya lang ay nababahala ako sa sinabi ni Hera. Ayokong masaktan bandang dulo.
Sinundo ako ni Ethan ngayong araw. Pumasok ako sa kanyang sasakyan.
"How's your morning?" nakangiti niyang sabi sakin.
"Uhm, ayos lang. Ikaw?" hanggang ngayon ay nahihiya padin ako kapag kinakausap ko si Ethan.
"Ayos lang din. Buti naman at sumabay ka na sakin." he smirked. Lagi niya kasing sinasabi na sabay daw kaming pumasok pero ilang beses ko siyang tinanggihan.
"Salamat." sabi ko sakanya pagkababa namin ng sasakyan, tumango lamang siya at sumunod na sa paglalakad ko.
Paminsanan akong hinahatid at sinusundo ni Ethan, madami ang nakatingin at nagtataka kung bakit kami magkasama pero sabi ni Ethan ay wag ko nalang pansinin iyon.
Tomorrow will be the first day of Intrams. Magkalaban ang Grade 12 at Grade 11 sa mga gaganapin na sports. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganoon, parang lugi naman ata kami.
"Saan kang sports sasali Lia?" sa totoo lang ay pinag-iisipan ko pa.
"Hmm. Basketball girls?" biro ko sakanila.
"Oo! Mag basketball ka nalang. Kakaonti lang ang may gustong sumali sa batch natin, madami kasing maarte." sabi nila Alliyah pero kahit naman sila ay hindi sumali doon.
Mukhang masaya naman kung doon ako sasali kaya nagpalista ako doon. There's nothing wrong if I try it. Nagba-basketball nga ako sa timezone 'e.
Walang klaseng naganap ng halos isang linggo dahil pinaghadaan ang darating na Intrams. Mayroon ding cheerdance kung saan kasali ang 20 katao bawat section ng iba't ibang strand. Napilitan akong sumali dahil sumali ang mga kaibigan ko. Kalaban namin ang Grade 7- Grade 12.