Nagmadali kaagad akong umuwi dahil may trabaho pa ako, nagpaalam kaagad ako kila Alliyah, alam na nila kung bakit. Wala ako sa mood buong araw, hindi ako kumausap ng kahit sino, nitong uwian lang.
Naghintay ako ng tricycle, sana ay dumating kaagad. Napatingin ako sa oras, sana ay hindi ako ma-late kundi ay malilintikan ako.
May bumisina sa likod ko kaya napagilid kaagad ako, nakaharap pala ako gate, hindi ko namalayan sa pagmamadali.
Kinabahan ako ng makita ang sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Ethan ito, naestatwa kaagad ako at napatingin rito, nasa loob ba siya? Pero bakit galing sa loob ng school? Nasa loob ba siya kanina pa?
Bumukas ang bintana nito at iniluwa ang nakakabanas na mukha ni Dylan. Bakit nasa kanya ang sasakyan ni Ethan?
"Lia, bakit gulat na gulat ka dyan?" nakangisi niyang sabi. Pinaglalaruan ako nito panigurado. Sa palagay ko ay may alam siya sa amin ni Ethan, nararamdaman ko.
Tumingin ako sa likod nito para tignan kung may tao, hindi ko nga lang maaninag kung meron dahil tinted ang kotse. Bakit ko pa ba tinignan, 'e alam ko namang tinted ito.
Natawa siya sa reaksyon ko. "Walang tao sa loob, wala ang kung sino man ang hinahanap mo."
"Anong pinagsasabi mo dyan?" naiinis kong sabi sakanya.
"Wala." nakangisi niyang sabi. Naiinis talaga ako sa pagngisi niya. "Saan ka ba pupunta? Nagmamadali ka kanina. Ihatid na kita?"
"No, thanks. Kaya kong magcommute."
"Woah.. bakit galit kaagad?"
"Umalis ka na, nababanas ako sa mukha mo!"
"Bakit? May naalala ka ba sa pagmumukhang 'to?" Hinawakan niya pa ang pisngi niya gamit ang dalawa niyang kamay.
"Manahimik ka na.." mahina kong sabi. Bakit ba kasi magkahawig kayo?!
"Sumakay ka na! Hindi ako aalis dito kapag hindi ka sumakay." nakanguso niyang sabi. Naiinis ako, hindi lang mukha ni Ethan ang naalala ko pati narin yung panahon na binalaan niya rin ako na kapag hindi ako sumakay sa kotse niya ay hindi siya aalis roon.
Sumakay na ako sa kotse ni Dylan.. kay Dylan nga ba?