Thirty-two

34 7 4
                                    

Hirap na hirap kaming ipasok si Ethan sa loob ng sasakyan. Halata kay Dylan na naiinis na siya sa pinsan niya at halatang-halata din na inaantok na siya.



"Ang bigat naman!" reklamo ni Dylan.



Nang mailagay si Ethan sa likod ay pumwesto na kami sa harap. Tumba na si Ethan at pagkaharap ko sa likod ay natutulog na siya.



"Huwag mong bilisan ang pagtakbo ng sasakyan, baka mahilo siya at magsuka." utos ko kay Dylan.



"Yeah. Okay ate." may diin ang pagkakasabi niya sa 'ate'.



"Ate? Magkasing-edad lang tayo!"



"Magiging ate na kita." pang-aasar niya sabay iling, hindi ko nalang pinansin. Hilig talaga mang-asar ng kumag na 'to.



Dumiretso kaagad kami sa kwarto niya pagdating sa condo. Hirap na hirap kaming dalawa ni Dylan sa pag-akay sa kanya.



I didn't know that Ethan is a heavy drunker. This is the first time that I saw him drunk. Maybe he also drink before with his friends, hindi naman lahat ng bagay ay alam ko tungkol sa kanya.



"Lagi ba siyang nalalasing kapag nainom?" tanong ko kay Dylan. Nakahilata na si Ethan ngayon sa kama habang kami naman ni Dylan ay nakatingin sa kanya.



"I don't know. Hindi naman nalalasing si kuya kapag nainom kami. Ngayon lang, napadami kasi yung inom niya." si Dylan, nakapameywang.



"Bakit ba kasi kayo pumunta doon? Gabi na ah, hindi niyo manlang ba naisip na delikado 'yon. At ikaw naman? Bakit hindi mo siya pinagbawalan uminom ng marami, huh?"



"Oh, bakit sakin ka nagagalit?" depensa ni Dylan.



Hindi na ako umimik pa. Napahawak ako sa noo ko habang nag-iisip. Bakit pa ba ako nandito? Wala na kaming ugnayan pa pero heto ako at alalang-alala sa kalagayan niya.



"Uuwi na ako." paalam ko kay Dylan, hindi naman siya sumagot at tinignan lang ako, pagkatapos ay tumingin ulit siya kay Ethan.



Tinignan ko din si Ethan, nakaupo na siya at nakahawak sa ulo niya na tila ba masakit ito. Tumingala siya sa akin at hinitak ako papunta sa kanya.



"Ow." reaksiyon ni Dylan. Hindi ko makita kung nang-aasar ba ang reaksyon niya dahil nakaharap ako ngayon sa dibdib ni Ethan.

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon