Thirty

26 7 4
                                    

The efficacy of the efficient


Freaking Love vs. fucking lust


Having a punishment for being handsome



Halos ihambalos ko sa pagmumukha ni Dylan ang ipinasa niya sa akin. Wala na ngang kakwenta-kwenta ang ibinigay sa akin ay kulang pa ito ng dalawa. Pero kung sabagay, kapag limang ganito ang ipapakita niya sa akin ay baka pinakain ko na sakanya itong papel!



"Sigurado ka bang nag-isip ka buong gabi?" inis kong sabi sa kanya.



Nakayuko lamang siya habang kanina ay tuwang-tuwa pa siya nang ibinigay niya sa akin ito. Pinagmamalaki pa na ilang oras niya itong pinagisipan ng mabuti.



"Pinagpuyatan ko yan!" sigaw niya sa akin sabay nguso. "Pustahan, sa akin pa ang ma-aprove kaysa sayo."



Agad kong hinampas ang braso niya. Bwisit talaga! Bakit ba kasi sa dami kong kaklase ay ito pa ang ibinigay sa akin? Noong una pa lang ay inexpect ko na hindi niya talaga ito seseryosohin at totoo nga ang hula ko. Napakagaling.



"Pinagpuyatan? Pinagloloko-loko mo ba ako? Huh, Dylan?" nakatingin lang samin sila Alliyah, kinuha nila ang papel na itinapon ko at nang makita nila iyon ay halos mapahiga na sila sa kakatawa.



"Lia, napakaswerte ng naging kapartner mo." pang-aasar ni Via.



"Sana all." dagdag pa ni Anna.



"Hayop ka, Dylan!" pagmumura ni Alliyah.



Hindi ko pinansin buong araw si Dylan, ako na mismo ang naggawa ng lahat ng title na ipapasa kay ma'am. Napakawalang dulot. Nakatingin lang siya sa akin at tila nagtatampo pa dahil tinanggihan ko daw yung pinagpuyatan niya.



"Maganda sana iyan, ikaw din naman may kasalanan kung bakit ganyan ang naipasa ko sayo! Hmp!" kinakausap niya ang sarili niya. Nababaliw na. Hindi pala nababaliw dahil matagal nang baliw na ang isang ito!



"At bakit ko naging kasalanan?" tinaasan ko siya ng kilay.



"Si kuya dapat ang gagawa niyan eh, kaya lang ay may galit sa akin." binulong niya ito sa sarili niya, hindi ko naman maintindihan dahil sa hina ng kanyang boses.



"Huh? Hindi ko maintindihan."


Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon