Fifteen

59 16 6
                                    

Halos hindi ako nakatulog ng gabing iyon. His voice gave butterflies in my stomach as well as ache in my heart. I can still remember the way he looked at my eye while he was singing.



Umuwi na ako pagkatapos kumanta ni Ethan, tumakbo ako palayo doon at hindi alam kung saan dinala ng aking paa. Basta ay alam ko nalang ay nakapagcommute na ako at nakauwi.



Tinadtad naman ako ng text nila Alliyah dahil bigla nalang akong nawala kagabi. Panigurado ay alam na nila kung bakit.



Pumasok ako ng parang walang nangyari kagabi. I wear royal blue shirt and high waist pants at isang maliit na bagpack dahil ngayon ang simula ng sports, naglagay ako ng short at pamalit na damit. Dinala ko narin ang t-shirt ni Ethan na hanggang ngayon ay hindi ko parin naibabalik.



"Nandito na pala yung nang-iwan kagabi." bungad sakin ni Alliyah. Nasa room kami ngayon at maya maya pa magsisimula ang sports. Nagkakagulo narin sa baba dahil sa sandamakmak na booth, madaming nagpapalista.



"Bakit nawala ka kagabi?" nakangising tanong ni Anna. Sabi na nga ba at aasarin ako ng mga ito.



"Wala lang." maikli kong sabi.



"Sige at magdeny ka pa. Halata ka na Lia." Via uttered. Hindi na ako nagsalita pa dahil kapag nag deny pa ako ay lalo lang akong kukulitin ng mga ito.



Napatingin si Via sa kwintas ko. Isinuot ko pala ito ngayon, sa tingin ko kasi ay bagay sa suot ko.



"Kanino galing yan? Parang ngayon ko lang nakita." nagtataka niyang tugon. Napatingin naman si Alliyah at Via. Hinawakan ko amg kwintas.



"Binili sakin ni Cali kahapon."



"Oh no! Don't tell me?!" gulat na sabi ni Alliyah. "Kayo na ba? O nanliligaw?"



"Nanliligaw." nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata.



"Bakit hindi mo samin sinabi kagabi?" tanong ni Via, halatang gulat pa din sa aking sinabi.



"Dahil baka magtanong kayo ng magtanong at hindi na tayo makapag focus sa program." pagpapaliwanag ko sakanila, nakita ko na medyo sumangayon naman sila sa sinabi ko.



"Paano na si Ethan?" tanong sakin ni Alliyah.



"Huh? Wala naman siyang gusto sa akin at hindi naman siya nanliligaw." wala akong maalala na may sinabi si Ethan na gusto niya ako. Oo parang nagpapahiwatig noong mga nakaraang araw pero wala naman siyang nilinaw tungkol dito.

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon