Everything will change if this comes out to be true. Habang naglalakad pabalik sa room ay nagdadasal ako. I hope that what they've said is a lie. Mahal kami ni papa, hindi niya ito magagawa sa amin.
Tinawag pa ako nila Alliyah noong kinuha ko ang bag ko at umalis. Napansin siguro nilang namumugto ang mata ko pero hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sa kanila kung anong nangyari. Kailangan kong tanungin si mama tungkol dito.
Nag-abang kaagad ako ng bus papunta sa aming bahay. Habang naghihintay ay andaming mga tanong ang pumapasok sa isipan ko. I have to be strong whatever what happens.
Malapit nang mag-gabi ng nakarating ako sa bahay. Kanina pa ako tinatawagan ni Ethan at kanina pa din siya nagmemessage sakin. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi na siya makatawag pa. It's not the right time for us to talk. I'm still mad about their speculations on my dad.
Walang pasubali akong pumasok sa aming bahay. Hindi na ako kumatok pa at pumasok na agad. Nagulat si mama noong nakita niya ako sa pinto.
I saw my mom features now, I don't know but she look so unhealthy.
"Anak, bakit ka nandito? Diba sinabi ko naman sayo na wag ka munang pumunta ngayong Linggo!" nilapitan niya ako.
"Bakit ma? May problema ba?" kung may problema ay dapat sinasabi niyo din sa akin!
"Wala anak. Mapapagod kalang kapag pumun-"
"Totoo ba ma?" nagulat siya sa tanong ko. That's my hint pero hindi ko padin matanggap, baka nalilito lang siya.
"Huh? Anong totoo Lia?" she seems like lying. I know you mom.
"Si papa? Asan talaga si papa ma? Nasa abroad ba talaga?!" hindi na ako nakapagpigil pa.
Before I could ask another question, I saw my mom eyes full of tears right now. This is it. So totoo nga?
"Kanino mo nalaman a-anak?" she asked me. She's worried about me! Paano naman ang sarili niya? Paano niya nakaya na nambabae si papa? Umiyak ba siya o ano. Bakit hindi ko alam? My mom is suffering all by herself without me knowing and thats made me feel bad!
"May kabit si papa?" tanong ko ulit, naghihintay na hindi ang kanyang isagot pero tumango siya at humagulgol na sa iyak.
"Kailan pa ma?! Bakit hindi niyo sinabi sa akin?!" tears pooled into my eyes.