Binato ko ang isa kong notebook kay Dylan dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya nagsusuot ng damit. Ano, flex flex nalang ng katawan? Akala naman talaga ay nakaka-attract ang katawan niya. Sa totoo lang ay maganda ang hubog ng katawan niya, pero hindi ako interesado.
"Mukha kang pornstar." pang-aasar ko sakanya. "Magdamit ka na. Naiirita ako."
"Ikaw ha! Paano mo nalamang mukha akong pornstar? Nanonood ka no?!"
Hinampas ko kaagad ang braso niya at tinutok ang ballpen ko sakanya.
"Kapag hindi ka pa nagdamit, isasaksak ko sayo 'to!"
Agad niya namang kinuha ang damit niya at isinuot ito. Napailing nalang ako sa pagmamadali niya sa pagsusuot ng damit. Buti at alam niyang hindi ako nakikipagbiruan.
Tumingin ako sa pintuan ng kwarto ni Ethan na kasalukuyan paring nakasara. Ano kayang ginagawa niya sa loob? Hindi ko inakalang dito pa kami magkikita sa condo niya. Napa-wrong timing naman. Hindi pa nga ako ready. Bakit kasi wala manlang pasabi o kaya naman ay sign na magkikita pa pala kami.
Pinagtulungan naming gawin yung background of the study. Halos mapuno yung mga tabs sa mga pinagsesearch namin, madami akong hinahanap na article na may kinalaman sa gagawin naming research. Tutok na tutok ako sa paggagawa habang si Dylan naman ay nakatutok lang sa kanyang cellphone.
"Bobo naman! Nakapasok na talaga mga kanser sa ML!" nagsisisigaw sa gilid ko. Kanina pa siya naglalaro ng ML. Pinabayaan ko nalang kasi nang pinagbawalan ko ay wala din naman siyang maiambag dito.
Natapos na siya sa paglalaro at hinarap ako.
"Matagal pa ba yan?" tanong niya sa akin.
Hindi ko siya tinignan at pinigilan nalang ang sarili ko na magsalita. Jusko... makakapatay na ata ako.
Nang matapos ang background of the study ay napagpasyahan ko nang umuwi, wala rin palang kwenta na pumunta pa ako dito dahil ako din naman pala ang gumawa ng lahat. Binigyan ko siya ng copy ng ginawa ko.
"Aralin mo 'yan. Ayaw ko naman na malaman ni ma'am na ako lang ang gumawa."
"Salamat sa concern. Bait mo talaga! Ihahatid kita dahil 'dyan." nakangiti niyang sabi.
"Dapat lang."