Five

85 42 1
                                    

Pinapasok na kami ni mama sa loob ng bahay. Ito ang unang pagkakataon na nagsama ako ng lalaki dito sa bahay, ang madalas ay mga schoolmates ko lang para sa group activities. Nung una ay nginitian pa ako ni mama na parang nang-aasar. 



"Sabi ko sayo umalis ka na." pabulong kong sabi kay Ethan. Si mama kasi ay nasa kusina, ini-slice ang cake para makakain na kami. 



Agad akong umupo ng maayos ng dumating si mama baka mamaya ay kung ano pang isipin niya. I saw Ethan's eyes roaming around our house, it only stopped when he saw our family picture in a frame.



"Kumain na kayo." utos niya sa aming dalawa ni mama sabay upo sa bangkong nasa harap namin ngayon.



"Magkaklase ba kayo?" kasalukuyang nakatingin kay Ethan. Ngayon ko lang napansin na parang medyo pumayat si mama.



"Hin-" 



"Hindi po. Grade 12 na po siya." dali dali kong sagot para di na siya makapag-salita pa. 



"Ah, ganon ba?" sabi ni mama, nagtataka kung bakit ako yung sumagot. Wala lang, trip ko lang.



"Nanliligaw ka ba sa anak ko?" tanong ni mama na ikinalaki ng mata ko. Muntik ko na malunok ng buo yung cake na nasa bibig ko. Kahit kailan ay hindi ko ma-imagine na liligawan ako ng isang 'to.



"Hindi po ma!" pasigaw kong sabi kaya medyo nagulat si mama sa inasta ko.



"Hindi ikaw ang tinatanong ko anak." agad na sagot ni mama habang nakangisi. Sumimangot nalang ako at muling kumain.



"Hindi po ako nanliligaw sa anak niyo, but I think that's a good idea." tumatango-tango pa.



Kinurot ko ang kanyang tagiliran. Kung magbibiro ka ay ilagay mo sa lugar, huwag sa harap ng nanay ko.



"Anong pinagsasabi mo?" bulong ko sakanya, ipinahalata ang inis.



"Just kidding." agad niyang bawi kay mama. Wala talagang kwentang kausap.



"Sige, maiwan ko muna kayong dalawa." sabi ni mama habang nakangiti at nailing-iling pa. Tinignan lamang siya ni Ethan.



Dapat ay pinalayas nalang ni mama 'tong si Ethan dito sa bahay. 

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon