Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Parang may kakaiba akong nararamdaman na kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. This foreign feeling is somewhat good but I'm afraid that this will go far.
"Uhm. Salamat sa paghatid." gusto kong nang lumabas sa sasakyan pero nakaharang siya. Nakahilig siya sa pintuan ng sasakyan habang nakabukas ito.
"Aalis na ako Ethan!" ano nanaman bang problema ng isang 'to. Paminsan minsan ay may saltik.
Tinitigan niya lang ako. Nahiya naman ako sa itsura ko. Kung pakikipagtitigan ang gusto niya ay talo na ako. Hindi ko siya kayang titigan sa mata ng matagalan lalong lalo na at nakatingin din siya.
Hapon na at malapit nang mag gabi. Wala pa akong nalulutong hapunan ko, ang hirap talaga pag hindi ko kasama si mama. Andami ring nakatambak na labahan sa bag ko. Napagod na nga ako sa mga ginawa naming activities ay mapapagod nanaman ako sa gawaing bahay.
"Magluluto pa ako ng hapunan." singhal ko sakanya. Hindi ako nakikipagbiruan dito Ethan!
Pinadaan na niya ako. Yumuko ako, nagpasalamat at umalis na sa harap niya. Onting hakbang ko palang ay alam ko nang nakasunod siya akin. Hinarap ko siya.
"Bakit ka sumusunod?" di porket hinatid mo ako ay papapasukin na kita.
"Titignan ko lang yung tinitirahan mo ngayon. Mag-isa ka lang naman diba?" kinilabutan ako sa sinabi niya.
"Oo! Mag-isa ako at hinding hindi ako nagpapapasok ng lalaki doon!"
"I just want to see it! Is there anything wrong with that?"
"Ano? Maliit lang ang tinitirahan ko. Lalaitin mo lang iyon, palibhasa ay mayaman ka."
"No! I don't okay? I just want to see if you're okay or if you're doing fine there." malambing niyang sabi at agad bumilis ang tibok ng puso ko.
Mukhang di siya papatinag kaya hinayaan ko nalang siyang maglakad at sumunod sa akin.
Tumigil kami sa harap ng inuupahan kong apartment.
"Okay na, eto 'yon. Pwede ka nang umalis." hinarap ko siya pero halata sa mukha niya na hindi pa siya kumbinsido sa kanyang nakita. Pinahalata ko sakanyang naiirita na ako sa ikinikilos niya pero wala siyang pake.