Natatakot akong lapitan si Ethan dahil kasama niya ang ate niya. Sa tingin ko ay alam ng ate niya ang tungkol sakin dahil kay Hera kaya medyo lumayo muna ako doon pero kasama ko parin si Alliyah hanggang ngayon.
"Bakit ayaw mong lapitan si Ethan?" nagtatakang tanong ni Alliyah sa akin.
"Andon kasi ang ate niya.."
"Ano naman?" nakakunot parin ang noo niya habang sinasabi niya ito.. naghahanap ng sagot pero hindi pa ako handa sabihin sakanya.
"Mukhang mataray eh." medyo tumawa pa ako para hindi siya magtaka pero kahit na ganon parang nahahalata niya na may itinatago ako sakanya batay sa kanyang titig.
"Tara na.. Hanapin na natin si Cali." sabay hatak sa kanya patungo sa kung saan.
"Hanapin mo si Cali para mabati na natin." luminga-linga ako para hanapin ito kaya lang ay hindi ko padin mahanap. Bakit kasi napakadaming tao ang narito.
Pag may kaarawan sami ay kami-kami lang ng mga kamag-anak ko, pero dito ay iba.. halos lahat ay mayaman at napakaengrande pa.
May nabangga pa akong isang babae habang naglalakad.
"Ano ba?!" singhal niya sa akin, agad naman akong humingi ng paumanhin. Nang tignan ko ay si Hera iyon. Kapag minamalas ka nga naman.
"Oh.. Why are you here?" she said in a strict tone, hindi ko naman agad nagustuhan iyon.
"Inimbita siya ni Cali, bakit may problema ba doon?" matapang na sabi ni Alliyah sa kanya. Agad kong hinila si Alliyah palayo roon, ayokong makagulo pa kami sa birthday ni Cali.
"Nakakabanas talaga iyon kahit kailan! Ang sarap ilampaso ng mukha sa sahig!" galit na galit na sambit ni Alliyah.
"Ang sama naman masyado ng iniisip mo."
"Napakabait mo kasi kaya ka ganyan." inirapan ako. Lagi akong pinagtatanggol ni Alliyah, kahit mukhang palaban ay mabait naman.
Ilang minuto pa ang lumipaa ay nakita na namin si Cali, may kinakausap na kung sino. Agad kaming lumapit ni Alliyah.
"Belated happy birthday Cali! Dati lang ay magkalaro tayo, anlaki mo na ah!" biro ni Alliyah sa kanya. Natawa naman ito.