I was thinking why Ethan didn't let me go home last night. I'm still here standing in front of Dylan na kahit bagong gising ay napakalakas parin mang-asar.
"As what I've said, sabi ni kuya siya na daw ang maghahatid sayo. I've let him of course. Kaya wag ka sakin magalit 'dyan." sinusundan ko siya habang nagsasalita ng mga walang kwentang paliwanag.
Paanong hindi magagalit? Ethan is freaking drunk last night! Ano? Ipapahatid niya ako sa lasing? Mukhang siya ata ang mas lasing kaysa kay Ethan eh.
Pero syempre hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam ko naman na wala nanaman kwenta ang isasagot niya sa akin at wala namang patutunguhan yung pag-uusap namin.
"Hatid mo na ako!" sigaw ko kay Dylan na kasalukuyang naglalagay ng gatas sa cereal. Tinignan niya naman ako ng masama, syempre hindi ako nagpatalo.
"Kumakain pa ako! Breakfast is the most important meal of the day, hindi mo ba alam 'yon?"
"Wala akong pake sa breakfast mo! Important important ka pang nalalaman 'dyan."
"Andyan na pala maghahatid sayo." sabay turo sa kung sino sa likod ko. Hindi na ako tumingin pa dahil alam ko na agad kung sino iyon.
Lumapit ako palapit kay Dylan at kinuha sakanya yung cereal, umupo ako sa may upuan at kinain iyon.
"Salamat sa cereal, pagkatapos ko kumain, ihatid mo na ako Dylan, breakfast is the most important meal of the day, diba?" inis kong sabi sakanya.
Nasa bowl lang ang tingin ko at hindi ko inaangat ang tingin ko sakanilang dalawa. Ramdam ko ang titig nila pero wala akong pakealam. Dire-diretso lang ang kain ko sa cereal. Tumawa naman ng malakas si Dylan at lumapit sa akin. Ginulo ang buhok ko, nakatalikod siya kay Ethan kaya hindi kita ni Ethan ang mukha niya.
Nakangisi siya sa akin habang ginugulo ang buhok ko.
Pinanlakihan ko siya ng mata at bumulong, "Anong ginagawa mo? Papatulan na kita!"
"Hala! Ang cute mo naman kumain, mukha kang tanga!" pang-aasar ni Dylan sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong, "Hindi ako ang maghahatid sayo," tatawa palang siya ay nawala na siya sa harap ko.
Tinulak siya ni Ethan palayo at hinawakan ang pupulsuhan ko para maka-alis sa kusina.
Sumigaw si Dylan, "Sabi ko sayo, hindi ako yung maghahatid sayo eh!" rinig na rinig ko ang tawa niya sa buong bahay. Demonyo talaga!