Four

95 46 1
                                    

"Get out! Pagkatapos ng klase ay puntahan mo ko sa office." sigaw ng teacher ko sa akin. Di ko kasi namalayan na 10 minutes late na pala ako. Terror teacher pa, letse! Bakit ba kasi di ko namalayan kung anong oras na?



Wala akong nagawa kundi lumabas nalang ng room. Kitang kita ko na nag-aalala yung mga kaibigan ko sa likod. Di ko alam kung nag-aalala ba talaga o natatawa. Pero mukhang natatawa pala, hindi lang sila makatawa ng maayos dahil seryoso ang teacher namin ngayon. First time kong mapalabas sa classroom, kahit kailan ay di ko inaasahan na mangyayari sakin ang gantong bagay.



Lumabas na ako, maglalakad pa lang ako ay napansin ko na si Ethan na nakatayo sa gilid ng pinto na parang alam na papalabasin ako ng teacher namin ngayon. 



"Sabi na nga ba 'e" biglaan niyang sabi na parang natatawang ewan pero pinipigilan ang sarili, agad ko siyang tinignan ng matalim.



"May nakakatawa ba? Kasalanan mo 'to eh" sabi ko at napaupo ako dahil sa kabang naramdaman kanina. 



"Tumayo ka dyan." agad naman akong napatayo sa sinabi niya.



"Bumalik ka na sa room niyo baka pagalitan ka din." utos ko sakanya. Dapat ay bumalik na siya, bakit pa ba siya nandito?



"I'm also 10 minutes late, my teacher will also get mad at me." pagpapaliwanag niya. Bahala siya diyan. 



Tumayo na ako at iiwan na sana siya pero hinawakan niya yung braso ko para pigilan akong umalis sa harap niya.



Nakita kong nakatingin yung mga kaibigan ko sa likod at nakangisi sakin. Bakit ba ang hilig nitong pigilan ako?  Nakatingin sila sa bintana kaya kita nila ako ngayon.  Agad kong hinila si Ethan palayo sa classroom at baka ma-issue pa kami.



"Bakit may pag hila?" nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa kamay kong nakahawak ngayon sa pulso niya. 



"Ayoko ma-issue" sabay tanggal ng kamay ko sa kanya. 



"Issue?" nagtataka niyang tanong sa akin.



"Paniguradong aasarin ako ng mga kaibigan ko. Wag ka na magtanong" inis kong saad sakanya.



"Okay?" patanong niyang sagot. 



Dire-diretso na akong naglakad at alam kong nakasunod lang siya sa likod ko. Bakit ba hindi pa ako nilulubayan ng lalaking 'to? 

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon