Hinatid ako ni Ethan kagabi. Pagkadating ko sa bahay ay chineck ko ang aking cellphone. Ilang messages at missed calls ang nakita ko galing sa mga kaibigan ko at pati narin kay mama. Inuna ko ang message ni mama para sa akin.
From Mama:
Anak, wag ka munang umuwi ngayong Linggo.
Noong isang linggo ay hindi niya rin ako pinauwi. May problema ba? Tinawagan ko si mama para tanungin siya kung bakit. Sinagot niya ito at sinabi niyang wag ko na daw muna alamin.
Lalo tuloy akong nabahala sa sinabi niya. Kahit ano pa ang sabihin ni mama ay uuwi ako ngayong Linggo. Nag-aalala ako at alam kong may mali na sa mga nangyayari. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang tinataguan ako ng sikreto.
Tutal ay aalis kami ni Ethan ngayon ay makiki-usap na din ako mamaya sa kanya na dumaan muna kami sa bahay.
Hinahanap ko kasalukuyan si Cali ngayon, ibabalik ko sakanya ang kwintas at sasabihin ko din sakanya na may iba na akong gusto kaya hindi ko maipapangako sakanya na masasagot ko ang kanyang tanong.
Kinakabahan ako sa gagawin ko, ayaw kong siyang masaktan pero ang sabi nga ni Ethan ay mas lalo lang siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ito.
Nang mahanap ay agad ko siyang nilapitan.
"Cali!" tinignan niya akong patakbo papunta sa kanya.
"Oh Lia? Bakit ka nagmamadali?" nagtataka pero nakangiting saad niya sa akin. "Buti at nakita mo ako, hinahanap din kasi kita."
"Oo, buti nalang at nakita na kita."
"Tara Lia!" sabay hawak niya sa pulso ko.
"Teka Cali! May sasabihin kasi ako sayo." tinignan ko siya sa mata at tinanggal niya na ang hawak niya sa akin.
"Ano iyon Lia?" seryoso niyang tanong.
"Ano kasi Cali..."
"Ano Lia?"
"Cali, gusto ko sanang tigilan mo na ang panliligaw sa akin."