Twenty-six

33 10 2
                                    

Kinakabahan ako sa kung anong pwede kong madatnan sa ospital. All I can see in my mind is my mom lying in the hospital bed and it made me very anxious right now.



"Bakit naman sa ospital ko pa makikilala si tita? Jusko naman. Sana ay ayos lang siya." nagaalalang sambit ni Alliyah.



Habang ako naman ay panay parin ang pagdarasal habang wala pa kami roon.



"Lia! Baba ka na, susunod ako. Magpaparking lang ako" hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng ospital. Agad akong bumaba, hindi na ako nakapagpasalamat kay Alliyah.



Tinakbo ko kaagad ang loob at itinanong sa counter kung nasaan ang room ni mama.



"Saang room po si Elenita Hilarez?" nagmamadali kong tanong. Hinanap kaagad nila ito sa record nila.



"Room 505. Third floor." tumungo kaagad ako sa elevator, hindi na ako naghagdan dahil matatagalan lang ako.



Pagkabukas ko mg pinto ay bumungad sa akin si mama, nakahiga ito sa kama. Anlaki ng pinayat niya.. napaluha kaagad ako sa dahil sa hitsura niya ngayon. Naroon din si Aling Teresa, ang kapit-bahay namin.



"Ano pong nangyari?"



Lumabas kami para hindi maistorbo si mama sa kanyang pagtulog.



"Papatikim ko sana sa mama mo ang ginawa kong miryenda, kumatok ako sa bahay niyo kaya lang ay walang sumasagot. Nagtaka naman ako dahil may tsinelas sa labas. Binuksan ko ang pinto, mabuti nalang at bukas ito. Tapos ay nakita ko ang mama mo, nakahiga na sa sahig.. walang malay. Agad akong tumawag ng ambyulansya, Lia. Mabuti nalang ay nakita ko ang nangyari sakanya."



"Dapat pala ay umuwi ako.." umiiyak kong sabi kay Aling Teresa. Hinagod nito ang likod ko at pinatahan ako.



"Wala kang kasalanan Lia."



"Ano daw po ang problema sabi ng doktor." tanong ko sakanya.



"Hindi ko pa alam, Lia. Kailangan ay pamilya ang kakausap. Oh, nariyan na pala." tumingin ako sa likod ko, naroon na ang doktor.



"Maari ko bang makausap ang pamilya ni Elenita Hilarez?"



"Opo." agaran kong sagot. "Maiwan ko po muna kayo Aling Teresa. Salamat po."

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon