Dahil may isang nakalaan na room bawat team, magkasama ang babae at lalaki. May tiwala naman daw sila sa mga estudyante kaya nila 'yon ginawa. Ang weird.
Para sakin ay parang mali naman yata ang ganitong set-up. Hindi mo naman kasi nila alam kung anong tumatakbo sa isip ng mga estudyante. Pero dahil wala naman akong magawa ay hindi nalang ako nagreklamo.
Kasalukuyan naming sinusundan si Ethan dahil siya lang ang may alam kung saang room kami magii-stay.
"ABM 201." basa ko sa section ng classroom na nasa harap namin.
"Room namin." agad na singit ni Cali. Hindi naman ako nagtanong sakanya.
Pagkapasok ko sa room ay may mga higaan na sa lapag. Malaki naman ang classroom kaya sa tingin ko ay magkakasya kami. Nakahati ang room sa dalawa.
"Boys sa right. Girls sa left." Ethan said. Kahit papaano naman pala ay hindi kami magkakatabi.
"Don't do anything bad. Our team might get disqualified. May parusa din galing sakin." habang sinasabi niya ito ay nakatingin siya sa akin. As if namang may gagawin akong kalokohan.
"Paano pag yung leader yung gumawa ng kalokohan?" may makahulugan kong tanong sa kanya.
"Same rule." tipid niyang sabi.
"Anong gagawin?" Nagkibit balikat lang siya at sinenyasan na kami na ayusin na namin yung mga gamit namin. Pagkatapos namin mag-ayos ay lumabas na kami. I am now wearing a sport's shorts, black shirt and black sneakers. Naka-pony tail ang buhok. Today will be the start of the activities.
Nakapila na kaming mga groups sa grounds. Medyo malapit ang grupo ko kina Alliyah.
"Di ako papatalo sainyo." Alliyah said to me.
"Ako din." sabi ko at kunwaring nag stretch pa sabay ngisi.
Una naming activity ay Scavenger Hunt, may mga nakalagay na hint sa iba't ibang lugar sa school at hahanapin namin isa-isa yung mga lugar hanggang makarating kami sa end spot.
Di ako interesado sa mga ganitong activity kaya nakatingin lang ako sakanila habang nagiisip sila kung anong sagot at susundan naman sila kung saan sila pupunta.