Of all the subjects in our class, sa Fundamentals of Accounting ako nahihirapan. Gusto ko pa naman maging accountant kaya lang ay hindi ko alam kung makakaya ko pa ito.
Sa bawat klase kasi na nagaganap sa Accounting ay inaantok ako, hindi ko alam kung dahil ba wala akong maintindihan sa paliwanag ni Sir. Pinipilit ko ang sarili kong makinig kahit nakakantok sa oras. I need to learn this for future purposes and also for my chosen career.
Siguro ay medyo kulang pa ako sa passion.
Nagkakagulo kami dahil mamaya pagkatapos ng lunch ipapasa yung pinapagawa ni Sir. Mabait naman si Sir kaya lang ay syempre kailangan namin ito matapos.
"Nabalance mo na?" tanong ko kay Via na kasalukuyang nakaharap sa calculator.
"Journal palang ako." kala ko pa naman ay tapos na siya roon.
Habang nagtuturo ang ibang teacher ay palihim kong kinakalikot yung calculator ko. Hanggang ngayon ay hindi ko mabalance! Bakit ba ang layo?! Kailangan ba ito magbabalance?
Recess na pero nandito padin kami panay punit sa columnar namin.
"Nakakailang punit na ah?"
Hindi ko talaga magawa kaya nagpahinga muna ako.
"Lia! Si Ethan hinahanap ka!" sigaw ni Anna sa pintuan. Agad tumingin ang mga kaklase ko sa akin sabay kantyaw. Sanay na ako roon kaya hindi ko nalang sila pinansin at lumabas na.
Pagkalabas ay nakasimangot ako. Hindi ko na inayos ang sarili ko. Nakamessy-bun ang buhok ko, napakagulo ng pagkakatali.
"You look stressed. Bakit hindi ka pa nagrerecess? Hindi ka rin sumasagot sa text ko."
Dahil masyado akong focus sa ginagawa ay hindi ko muna ginamit yung phone ko. Kapag kasi nahawakan ko na yung phone ko ay baka hindi ko na magawa ang mga dapat kong gawin.
"May ipapasa kasi kami mamaya. Hindi ko pa mabalance."
"Uh-huh. Accounting?"
Tumango ako. Tinitigan niya ako na tila natatawa kasi hirap na hirap na ako sa pinaggagawa namin.