RuthNagmamadali kong hinanap ang kwartong kinalalagyan ni Mama ng makarating kami sa Hospital. Partly dahil nagaalala pa rin ako kahit sinabi na ni Raft na stable na si Mama, partly dahil naiilang ako kay Boss.
Actually pagkatapos ng sinabi nya ay wala na kaming imikang dalawa. I'm so confuse to his words. What he means that he is crazy for me? Ayaw kong mag conclude ng hindi talaga sigurado. And ofcourse i'm scared to assume. Baka assume ako ng assume mali pala ang pagkaintindi ko.
"Ma!" tawag ko ng makapasok ako sa kwartong kinalalagyan nya. Napatayo si Raft sa upuan nya katabi ni Mama. Nang lumapit ako sa kama ni Mama, tumabi sya para maputahan ko si Mama.
"Anak." tinignan ako ni Mama tapos ngumiti ng kaunti. Medyo nanghihina pa sya...
"Ate." tawag din sa akin ni Raft. Humawak ako sa braso nya at ngumiti. Lumingon ako kay mama.
"Ayos na po ba kayo?" nagaalalang tanong sa kanya habang hinawakan yung kamay nya. Pinatong nya ang isang kamay nya sa kamay ko.
"Ayos lang ako, 'nak..." sagot nya sa akin, lumagpas ang tingin sa akin ni Mama. Napatingin ako sa likod ko. Umayos ako ng tayo, tapos tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin.
"Ma, Boss ko. Boss, Mama ko po, tapos sya yung kapatid ko, si Raft." pagpapakilala ko sa kanila.
"Hello po. Are you alright, Ma'am? Ruth is very worried about you, so i decided to bring her here to see you..." sabi ni Boss kaya napatingin ako sa kanya. Natigilan ako ng may makita akong ngiti sa kanyang labi habang ang mga mata nito ay puno ng pagalala.
"Nako iho, na abala pa ng anak ko. Ayos lang ako." nakangiting sabi ni Mama.
"It's nothing, Ma'am. It's my pleasure..."
"Raft, bumili ka ng pagkain para sa boss at sa ate mo. Alam kong nagutom ang mga yan sa byahe nila papunta dito." utos ni Mama. Napatingin ako kay Raft saka kay Boss.
"Samahan na kita." sabi ko at nagpaalam muna sa kanila. Gusto ko ring kausapin si Raft kung bakit biglang inatake si Mama.
Lumabas kami ng kwarto ni Mama at pumunta sa isang convenient store.
"Raft, Bakit biglang inatake si Mama?" tanong ko habang kumukuha ng pagkain. Napatigil sya sa pagcecellphone at sinulyapan ako.
"As usual." nagpakawala ako ng bugtong hininga sa sinabi ni Raft. Yung as usual na yan ay ang stress ni Mama sa mga tsismosang kapit bahay at sa tatay kong iniwan kami. "At yung tungkol sa boyfriend mo." agad akong napalingon sa kanya sa sinabi nya.
"What about him?" kunot noong tanong ko sa kanya. Ano na namang mga nakalap na impormasyon ng mga tsismosa sa lugar nila?
"May nakakita daw na may kasamang ibang babae yung boyfriend mo... Sa club." napataas ang kilay ko sa narinig. Napatawa ako. Walang hiya yon, babaero pala talaga. "Kayo pa ba non?"
"Hindi na. Paka saya savmga babae nyang yon. Binigyan ko na nga yon ng trophy sa pagta-timer nun!" natatawang kwento ko sa kanya. Si Raft naman ang napakunot sa akin.
"Kailan pa?" napiling ako bago linagay sa counter ang mga pagkaing kinuha ko para bayaran.
"Last last week pa. Na huli kong may kasamang babae sa condo nya. Tsk." natawa na naman ako ng maalala yung mukha nya sa ginawa ko sa kanya. Buti nga't na huli ko na at hindi na ako magmukhang tanga sa mga pinang gagawa nya, behind my back. Buti walang nagyari sa amin, at baka magka aids ako sa lalaking yun!
"Move on ka na?" ngumiti ako kay Rafy bago kinuha yung supot at binigay sa kanya para sya na ang magbuhat. "Hmm.. Bilis ah?" nakataas ang kilay nyang sabi.
Natawa naman ako. "Bakit ko pa pagsasayangan ng oras yung lalaking yon? He's not worth it. Ang swerte naman nya kung pagluksa ko sya ng isang bwan! Tama na yung isang araw no!"
Hindi ko ba maintindihan. Ang dali dali kong kalimutan yung lalaking yon. Hindi nga naman nya deserve dahil manloloko sya. But i think, i didn't love him. Kaya ganon na lang ang paglimot ko sa kanya. Hindi na ako magtataka kung sa anim na bwang pagsasama namin, nakarami na sya ng babae maliban sa akin.
"Baka pwede mong bigyan ng advise yung mga broken, kung pano mag move on ng mabilis." biro ni Raft na nagpatawa sa akin.
"Pwede rin. Bente kada isang tanong." nakangiting sabi ko sa kanya. "Ano? Kukulsulta ka ba?" nakataas ang kilay na biro ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at nagtawanan naman kami.
May tumawag sandali kay Raft kaya lumayo muna sya at sinagot ang tawag. Kinuha ko naman sa kanya ang supot at pumunta na sa kwarto ni Mama. Pagbukas ko ng pinto narinig kong nagsalita si Mama. Kaya naman tumahimik ako at dahan dahang sinara yon para hindi nila malaman na nandito ako. Hindi nila ako nakikita dahil may pader na nakaharang.
"........Mabuting batang yan, wala ka ng hahanapin pa. Huwag mo lang galitin." narinig kong tumawa si Mama. "Kase hindi ka non papansinin ng ilang araw. Nakakalungkot nga't na maaga syang nagtrabaho para paaralin ang sarili nya, iniwan kase kami ng loko nyang tatay. Wala yang reklamo kahit pagod na pagod na. Alam nya kasing nahihirapan na rin ako, lalo na't may sakit ako. Matanda na ako. Baka nga ilang bwan nalang ang itatagal ko." pait na ngayon ang tawang pinakawalan ni Mama.
Sumandal ako sa pader at pinakinggan sila. Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mata ko.
"Huwag nyo pong sabihin nyan. Magtatagal pa po kayo." sabi naman ni Boss.
"Sana lang... Gusto kong makita si Ruth na ikasal. Kaso baka hindi ko na abutan. Tapos balita ko linoloko pa sya ng boyfriend nya. Hindi ko nga alam kung sila pa o hindi. Sana nga maghiwalay na sila ni Kith. Una palang hindi ko na gusto yung lalaking yun." sabi ni Mama.
Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Wala syang sinabi sa akin pero hindi ko alam na ganon pala ang gusto nya. Hindi naman nya ako pinipilit na magpakasal. Pambihira. Ano pang pinagsasabi.
"Ang alam ko po wala na sila...." sagot naman ni Boss.
"Buti naman." nakahinga ng maluwag si Mama sa narinig. Napailing ako at napangiti. Kunwari kong binuksan ulit ang pinto at nagpakita na sa kanila.
"Hey. Anong meron?" kunwaring tanong ko tapos pumunta sa table sa kwarto ni mama. Inilapag ko don ang supot at kinuha ang sandwich at juice para ibigay kay Boss.
"Wala naman." sagot naman ni Mama. Napataas ang kilay ko.
"Wala daw..." sabi ko at umupo sa couch. "Ano na namang balita kong nagpastress ka na naman sa mga tsismosa don?" tanong ko kay Mama.
Itutuloy....
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
I
Wish
You
Will
Share
Comment
Follow
And
Vote
Happy day!
Bye ♥~
BINABASA MO ANG
My Boss
RomanceMy Big Boss... Sa simula, maganda ang simula ng pagtratrabaho ko sa kanya pero ng magtagal nagiba ang takbo ng buhay ko kasama sya. Started: September 11 2019 Finished: