RuthPinatong ko yung folder na pinasa ng finance sa table ni Boss. Nginitian ko sya bago binalingan si V na nasa coach sa office ni Boss nagdradrawing. Linapitan ko ito at tinignan yung drinodrawing nya.
"Wow. Ang galing mo naman!" humahangang sabi ko sa kanya nang makita ko yung drawing nya. Isa yung cute na aso. Ang galing nyang nagdrawing, parang totoong totoo! Hindi halata sa edad nyang kaya nyang magdrawing ng ganon ka ganda.
Nandito sya ngayon dahil sabi nga nya nung friday ay gusto nya akong bantayan. Pagdating nalang ni Boss ay kasama na sya. I'm happy that he's here but his brother, not.
"If you want, i'll give this to you." nakangiting sabi nya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"Wow! Really?" hindi makapaniwalang tanong ko, tumango sya. "Okay. Do you want snacks?" tanong ko sa kanya. Tumayo ako at lumabas para bumili ng snacks para sa magkapatid.
Bumili ako ng milk tea para sa aming tatlo at nachos. Pagbalik ko ay linagay ko sa plato yung nachos bago pumasok sa office. Linagay ko sa table ni Boss yung sa kanya bago nagtungo kay V. Pinapili ko pa sya kung ano yung gusto nyang flavor.
"I want that, please." turo nya sa milk tea ni Boss. Napatingin ako sa kanya, umiling ito, hindi sya sang ayon. Pinakatitigan ko sya bago lumapit at pinalit ang akin.
"Yan na lang sayo. Hep! Bata yan." sabi ko ng magrereklamo sana sya, napasimangot sya. Ngumiti ako sa kanya, kumindat pa ako bago linapitan ulit si V at binigay ang gusto nya. Napailing pa ako ng pasimple itong nag stuck ng tongue nya sa nakakatandang kapatid. Tinignan ko si Boss na aamba na sanang babatuin angg kapatid ng sinamaan ko sya ng tingin.
Nagpaaalam muna akong lalabas para magtrabaho. Pero pumasok din agad ng may marinig akong sigaw. I breath in before i enter the office. Galit na nakaturo si V kay Boss.
"You can't!"
"Yes i can." baliwalang sabi ni Boss na parang wala lang sakanya ang sigaw ng kapatid sa kanya.
"Hey! Ang tanda tanda mo na nakikipag away ka pa sa bata." sermon ko kay Z. Inaaway nalang nya palagi si V. Bakit kaya hindi nalang nya intindihin?
"I'm not." tangi nya. Humalukipkip ako.
"Oh ano yon?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. Sinulyapan ko silang dalawa, habang sinasabi ang "Or, Do you want me to leave?" nanlaki ang mata ng dalawa sa sinabi ko. Lihim akong napatawa sa reaksyon nilang dalawa. So cute.
"No! You can't!" sabay nilang sabi kaya nagkatinginan sila ng masama. Nagbugtong hininga ako bago linapitan si V.
"Okay. V let's get outside. Don ka nalang magdrawing. Baka magaway na naman kayo." sabi ko sa kanya na nagpangiti naman. "Hey, stop. Sa labas na sya. Dyan ka, magtrabaho ng maayos." sabi ko ng magrereklamo pa sana sya sinabi ko. Sinamaan nya ako ng tingin na tinapatan ko ng pagtaas ng kilay. Mataray mode.
"Tsk."
Matamis akong ngumiti sa kanya bago inaya na lumabas na ng office si V. Pinaupo ko sya sa coach sa tabi ng table ko. Ngumiti ako sa kanya ng sinabi nyang komportable na sya. I decided that V stay beside me, so i wouldn't enter again and again to the office. Alam ko kasing kung hindi sila paghihiwalayin, magaaway at maaway ang dalawa. Sya ba naman? Pinapatulan pa ang bata? Kapatid nya pa!
Hindi pa nakalipas ang ilang minuto ng tumunod ang phone ko. Kinuha ko yon at binasa ang nagtext.
From Z.
Hey! Bakit sya pa sinasama mo? Hindi mo na ba ako mahal?
Nasabunot ako sa aking buhok dahil sa stress sa magkapatid.
BINABASA MO ANG
My Boss
RomanceMy Big Boss... Sa simula, maganda ang simula ng pagtratrabaho ko sa kanya pero ng magtagal nagiba ang takbo ng buhay ko kasama sya. Started: September 11 2019 Finished: