1-WHO ARE YOU?

21.1K 598 950
                                    

"The best memories are those which have forgotten." - Alfred Capus


Declan's POV

            Fuck my head hurts.

            I can hear buzzing sound. May mga nag-uusap sa paligid ko. Ipinilit kong imulat ang mata at nakakasilaw na liwanag ang tumambad sa akin?

            Where am I? Is this fucking heaven? Imposible. Kung mamamatay ako siguradong sa impiyerno ang diretso ko.

            "Ano bang sabi ng doctor? Grabe ang putok sa ulo niya."

            Whose voice was that? Familiar iyon. I can sense worry on that voice.

            "Normal naman ang CT scan. Pero hihintayin pa rin na magising siya para malaman na walang masamang epekto sa kanya ang nangyari."

            And who was that?

            "Two days na siyang walang malay. When I found him in my house he was a mess. I didn't know what happened to him."

            Two days? Two days akong walang malay? Ano ba ang nangyari?

            The car crash. Why was there a car crash? Why? Why? Nanlaki ang mata ko.

            Si Stacey!

            Doon na ako pilit na kumilos. Tinanggal ko ang nakalagay na nasal cannula sa ilong ko. What are these shits? Ang daming nakakabit sa braso ko. Mabilis na lumapit ang dalawang lalaki sa akin at pilit akong pinapahiga muli sa kama.

            "Hey. Hey, relax man. You're safe here." Si Yosh at pilit akong pinahiga sa kama.

            Umiling ako at nang maialis ko ang mga nakakabit sa katawan ko ay pilit akong tumayo. Kahit medyo groggy ay pilit akong umiikot sa silid at naghahanap ng damit. Naka-hospital gown lang kasi ako.

            "Declan, stop. Relax." Hinawakan ako sa braso ni Yosh para huminto ako.

            Umiling ako. "No. I need to go." Marahan kong nasapo ang ulo ko. Medyo nakaramdam ako ng hilo pero kailangan kong umalis dito. May kailangan akong puntahan.

            "Clothes. I need clothes." Shit. My head was like splitting in half.

            May nag-abot ng damit sa akin at nakilala kong si Dustin iyon. Nagbihis ako sa harap nila at tinungo ko ang pinto.

            "Sir. Where is Stacey?" Boses ni Dustin iyon kaya napahinto ako sa paglakad.

            "I don't know." Akma na akong lalabas pero hinawakan ako sa braso ni Dustin.

            "Hindi puwedeng hindi mo alam, Sir. Kayong dalawa ang magkasama nang maaksidente kayo. What did you do to her?"

            "I didn't do anything. She ran away." Diretso akong lumabas at nakasunod pa rin sa akin si Dustin. Si Yosh ay ganoon din pero nakadistansiya ito. Alam kong naghihintay lang siya ng tiyempo na makausap ako.

            "She ran away? Sir, kaibigan ko si Stacey. Alam ko ang mga plano niya at may tiwala sa akin. Kung tumakas man siya, ako ang una niyang tatawagan kahit alam niyang ipinagkanulo ko siya sa iyo. Pero two days ng wala akong contact sa kanya. What did you do to her?" Sa pagkakataong iyon ay hinawakan ako sa braso ni Dustin at pilit na pinahinto tapos ay isinandal ako sa dingding ng hallway.

            Tiningnan ko lang siya at umiling ako. Ipinakita ko ang leeg ko sa kanya. Sigurado akong may mga pasa doon. Makikita pa ang pagkakasakal sa akin ni Stacey.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon