29-TORQUE

5.7K 382 178
                                    

We met for a reason, either you're a blessing or a lesson. - Unknown

Stacey's POV

            "Take your hands off my wife if you don't want me to kill you."

            Nagkatinginan kami ni Dustin at pareho kaming napatingin sa nagsalita noon. Nakita ko si Declan na nasa likuran ko at hawak ang kamay ni Dustin para ilayo sa akin. Dilim na dilim ang mukha.

            "Wife daw?" Nagtatakang tanong ni Dustin sa akin at inis na kinuha ang kamay niyang hawak ni Declan. "Pinagsasasabi nito?"

            Sinamaan ko din ng tingin si Declan. Hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Madilim pa din at talagang mukhang gusto niyang saktan si Dustin.

            "Hindi ka ba lalayo sa lalaking iyan o gusto mong sabihin ko sa kanya kung ano ang ginawa natin ng mga nakalipas na buwan?" Seryosong sabi niya. Tingin ko ay talagang kaya niyang gawin iyon.

            Napalunok ako at napatingin kay Dustin. Nagtataka ito sa mga sinasabi ni Declan. Para wala na lang gulo ay lumayo na ako kay Dustin pero paglapit ko kay Declan ay malakas kong inapakan ang paa niya. Napasigaw siya sa sakit at napamura pa.

            "Bagay sa 'yo 'yan. Gago ka kasi," mahina kong sabi sa kanya.

            Mura pa din ng mura si Declan habang hinihimas ang paa. Tinanggal pa nito ang suot na sapatos. "Pinatay mo yata ang kuko ko."

            "Gusto mo ikaw pa ang patayin ko. Pasalamat ka nga kuko mo lang ang pinatay ko."

            Tingin ko ay medyo naka-recover na siya at muling isinuot ang sapatos.

            "Can you kill me? You had the chance, but you didn't do it." Nagpipigil siya ng ngisi habang nakatingin sa akin.

            "Am I missing something?" Sabat ni Dustin.

            Napatingin kami pareho dito at nagtatanong ang tingin sa akin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at naupo sa isang upuan na naroon. Tumayo lang sa gilid ko si Declan. Hitsurang parang nagbabantay. Buwisit talaga ang lalaking ito. Buwisit talaga siya. I am a good agent. I followed all the rules, I know how to choose my objective over my emotions. Pero ngayon, sirang-sira ang plano ko. Sirang-sira ang mga diskarte ko dahil lang sa presensiya ng lalaking ito. Makita ko lang siya ay talagang kumukulo na ang dugo ko. Kahit amoy niya ang baho. Nakakasuka ang amoy. Pakiramdam ko bumabaligtad ang sikmura ko.

            "Tell him what we know about Carmela Salazar. Show him all our intel." Tonong talunan na sabi ko. Wala na akong magagawa. Kung gusto kong makabalik sa case ko, kailangan kong sundin ang nakasulat sa clearance. Kailangan kong magtrabaho kasama ang Declan na ito at ang pinaka-nakakainis pa, under pa niya ako.

            "What? June, are we-" hindi maituloy ni Dustin ang sasabihin at gulat na gulat sa sinabi ko.

            "Management decision." Nang-aasar na sabi ni Declan. "Share your intel about Carmela Salazar."

            Muling tumingin sa akin si Dustin at sinisigurado kung totoo ang sinasabi ni Declan. Tumango lang ako. Pasimple akong nagtakip ng ilong dahil talagang nasusuka ako sa amoy ni Declan. Hindi naman siya mabaho. Sa katunayan mabango siya. Amoy pabango ng lalaki. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit naduduwal ako sa amoy niya.

            Ilang beses akong umehem at lumunok-lunok para lang mapigil ang mapaduwal. Tinitingnan ko lang si Dustin na inilabas ang mga folders ng intel namin tungkol sa case ni Carmela Salazar. Naroon ang listahan ng mga members nito. Ang mga kasabwat na mga pulis, military personnel. Lahat ng mga kasama sa payroll ng sindikato nito.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon