"Pain withheld becomes hate, pain shared becomes love." - Unknown
Declan's POV
"Can you breathe properly? Can you open your mouth?" Sunod-sunod ang tanong sa akin ng official doctor ng agency.
"I am good." Napa-aray pa ako nang subukan kong hawakan ang ilong ko.
Muling tiningnan ng doctor ang X-ray na nasa harapan niya at napatango-tango.
"It's just a cut. Your nose is not broken." Sabi nito at hinawakan ang mukha ko tapos ay muling tiningnan ang ilong ko. Nilinis ang sugat at nilagyan ng gasa.
Shit. Thank God. Ayaw ko namang magpa-surgery pa dahil lang sa na-headbutt ako ni Stacey.
"Mangayam did this to you?"
Tiningnan ko ng masama ang doctor at nakita kong nagpipigil siyang mangiti habang nilalagyan ng micropore ang gauze na inilagay sa sugat ko sa ibabaw ng ilong.
"Tsismoso ka, Doc?" Asar kong sagot sa kanya.
"Mabilis ang balita, Laxamana. Kahit hindi ako lumalabas sa clinic ko kusang pumupunta ang balita sa akin." Tuluyan na itong natawa. "That woman is really fierce. She is the first and only female agent who could do field missions. Kaya paboritong-paborito ni Chief."
Sumimangot ang mukha ko. Sa tingin ni Stacey papayag pa akong gumawa siya ng field missions? No. Aayusin namin ang problema naming dalawa. Sigurado naman ako na ang ta-trabahuhin niya ang mission niya sa sindikato ni Carmela Salazar. Hindi ako papayag na bumalik pa siya doon.
Nang matapos gamutin ang ilong ko ay lumabas na ako ng clinic. Dumiretso ako sa office ni Chief Coleman para kausapin siya tungkol sa case na iyon. Technically, Carmela Salazar's syndicate was my case. Hindi nila ako sinabihan tungkol sa pagpasok ni Stacey doon.
Sinabihan ako ng secretary ni Chief na nasa conference room daw ito kaya doon ako dumiretso. Malayo pa lang ay nakakarinig na ako ng pagtatalo. Boses ni Stacey ang naririnig kong malakas. Halatang inis na nagpapaliwag kay Chief.
"Carmela Salazar is my case. Ako ang trumabaho doon, Chief. You can even ask Dustin. Ang dami na naming puhunan doon. Kung ano man ang nangyari sa akin, naayos ko na. I am good, I am fit to work, and I can go back to my mission," matigas ang pagkakasabi noon ni Stacey.
"June, I understand all your efforts for this case, but you've gone for so many months. Kahit kami hindi alam kung anong nangyari sa iyo. What really happened to you?" Dama ko ang pag-aalala sa boses ni Chief.
"Tell us. June, you know you can tell me anything. We've been through a lot." Lalong nangunot ang noo ko dahil ibang boses na iyon. Boses na ni Dustin. Pakiramdam ko ay uminit ang ulo ko kaya dire-diretso akong pumasok sa loob ng conference room. Ang sama ng tingin sa akin ni Stacey nang makita ko.
"In case you don't know, this is a private conversation. Hindi ka kasali dito," inis na sabi niya sa akin.
Napatawa lang ako ng nakakaloko. Hindi ko pinansin ang natatawang hitsura ni Chief at ni Dustin habang nakatingin sa akin dahil may nakatapal na gasa sa ibabaw ng ilong ko. Ang sarap pagbabasagin din ng mga ilong.
"You are talking about my case. I think I should know your thoughts about it." Kaswal kong sagot sa kanya at naupo ako sa dulong parte ng mahabang mesa. Itinaas ko pa ang paa ko sa mesa at naghihintay ng sagot niya.
"Pinagsasabi mong case mo? Carmela Salazar's syndicate is my case. My. Case." Diniinan pa niya ang mga salitang iyon tapos ay inirapan ako at bumaling kay Chief. "Hindi mo ba siya palalabasin?"
![](https://img.wattpad.com/cover/229751355-288-k337749.jpg)
BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
Roman d'amourOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...