32-THE RETURN

5.8K 394 175
                                    

Have a relationship so good that everyone is jealous of it.

————-

Stacey's POV

            Pare-pareho kaming nakatingin ni Chief Coleman at ni Dustin sa mga papel na nasa mesa.  Naroon ang mga list ng mga flights from Los Angeles to Manila. Listahan ng mga pasahero. Pati na ang mga litrato ng mga pasahero na dumating kahapon. At confirmed nga na dumating si Torque sakay ng Philippine Airlines under the name of Colin Romulo.

            "How could this happen, Chief? Sinabi mo sa akin na nagawan 'nyo na ito ng paraan. Sabi mo sa akin hindi siya makakalabas sa kulungan."

            Palakad-lakad ako sa loob ng opisina habang sila ni Dustin ay tahimik lang na nakatingin sa mga papel.

            "I did. Kausap ko ang officer in charge sa kanya sa California State Prison. He got out because the evidences are weak." Inis na binitiwan ni Chief ang hawak na report at napailing.

            Mahina akong napamura at napapikit. Malaking problema ito. Siguradong aalamin ni Torque kung sino ang nag-squeal sa kanya.

            "Paanong naging weak ang evidence? He was there. He was the one running the selling of the guns. They have a concrete evidence against him. The guns. The buyers. Chief, you know what will happen to me if he knows that I was the one who ratted him out." Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko.

            Napapailing lang din si Chief at kita ko din ang pag-aalala sa mukha ni Dustin.

            "Then do your work. Paano ka ba nakapasok sa grupo na iyan? Dahil kay Torque 'di ba?" Lumakad si Chief at lumapit sa akin. Alam kong pinapakalma lang niya ako dahil talagang kinakabahan ako. Alam ko naman kasi kung paano magparusa si Torque sa mga taong bumabaligtad sa kanya. I know what he can do, and he was a one sick bastard.

            "Use your charm, June. Kaya nga natin nahuli ang lalaking iyon dahil sa iyo. He trusts you." Sabi pa niya.

            "Not this time. He knows that there is a spy in the group." Nag-aalala pa rin ako.

            Hindi nakakibo si Chief at alam kong nag-iisip din. Pabagsak akong naupo sa couch na naroon at wala sa loob na hinawakan ang tiyan ko.

            Naalala ko pa kung paano ko trinabaho si Torque. Ilang linggo ko na rin siyang sinusubaybayan. Sila ni Carmela. Magpinsang-buo ang mga ito na nagpapatakbo ng grupo. Si Torque ang bahala sa gun smuggling at si Carmela naman sa drugs. Napag-usapan na namin ni Dustin na siya ang ta-trabaho kay Carmela at ako naman kay Torque. My cover was a model para madaling makakuha ng atensyon. I pretended to be working in a bar as a model for cigarettes and I approached him. Madali ko namang nakuha ang atensyon niya dahil tingin ko, gusto niya ako. Mayabang si Torque. Proud siya na sabihin na malakas siyang kumita, maraming pera at malalakas ang mga koneksyon niya sa matataas na tao. Hindi siya natatakot na ikuwento sa akin ang mga illegal activities niya. Doon pa lang, alam ko ng madali ko siyang mapapaniwala kung ano ang cover ko.

            That was also the night that I saw him kill. Pagkatapos naming mag-date, isinama niya ako sa isang operation. I know he was selling guns. Pinapanood ko lang kung paano siya makipag-transact habang nasa sasakyan ako at sigurado na ako na pangit ang kalalabasan ng transaksyon na iyon. Hindi nga ako nagkamali. Torque took his gun and shot his buyers. He took the guns and money then walked like nothing happened.

            He asked me if I saw what he did, and I said yes. I thought he was going to kill me, but he asked me if I liked him. Of course, I said yes. That's my job. Ang mapalapit sa kanya. I told him I wanted to join his group. I needed a high paying job.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon