25-ALIVE

5.2K 380 208
                                    

"One of the happiest moments in life is when you find courage to let go of what you cannot change." - Unknown

Declan's POV

Tahimik lang akong nakaupo sa harap ni JD habang nakatingin siya sa litratong ipinakita ko. Maraming litrato ni Stacey iyon na nakuha ko sa agency. Mga covers na ginawa niya habang nasa missions siya. Halatang naiinip na si JD dahil iyon pa rin naman ang pinag-uusapan namin.

Napahinga siya ng malalim at ibinaba ang mga litratong iyon tapos ay marahang hinilot ang batok niya.

"It's been a month, Dec. No movement. Naka-monitor ang mga taong pumapasok sa village nila Kleng. Alam naman ni Ferdie ang dapat niyang gawin doon. But this woman?" Muli ay tiningnan niya ang mga litrato. "Hindi ito naliligaw doon."

Napakamot ako ng ulo. Imposible. Mag-iisang buwan ng nawawala si Stacey. Lahat na ng puwede niyang puntahan ay pinuntahan ko na. Nakipag-away na ako kay Chief para lang mabuksan ko ang mga files niya. Tapos ganito? Wala siyang paramdam? Anong nangyari sa kanya.

Tinawagan ko na rin si Martin Darke at tinanong kung bumalik na doon si Stacey. Pero ang sabi nito, wala daw. Hinahanap na nga rin ni Carmela at ginagawan na lang ng paraan ni Martin para hindi pagdudahan si Stacey.

"Come on, JD. Check it again. I am sure she might drop by at Kleng's house."

Sinamaan ako ng tingin ni JD. "Ano bang ginawa mo sa babaeng ito at pati ang kapatid ko ay nadadamay sa katarantaduhan mo? My sister is okay already. She just gave birth and wala silang problemang mag-asawa. Tapos nandito ka na naman at nagsisimula ka na namang manggulo."

"Hindi naman ako nanggugulo. I just want to know if Kleng is okay and so as Stacey. Importanteng lang na mahanap ko si Stacey."

Alam kong pikon na pikon na si JD. Napatingin siya sa likuran ko at tingin ko, parang nakahinga ng maluwag.

"Tell him," sabi niya sa akin at itinuro ang kung sinong nasa likod ko.

Paglingon ko ay kitang-kita ko ang gulat sa mukha ng taong naroon. Hindi agad nakahakbang si Ferdie at nakatingin lang siya sa akin. Masama akong tumingin kay JD dahil siguradong siya ang may pakana nito. Hindi na naman niya kailangan na i-involve pa si Ferdie dito. I could fix this problem on my own.

"What the fuck?" Sa sarili lang iyon nasabi ni Ferdie at nagtatanong na tumingin kay JD.

"May sa pusa 'yan. Maraming buhay," naiiling na sabi ni JD at sinenyasan ang bayaw niyang maupo.

Para pa ding nakakita ng multo ang hitsura ni Ferdie habang naupo sa tabi ni JD at nakatingin sa akin.

"I am not dead. I am alive. You know that." Naiiling na sabi ko kay Ferdie.

"Are you going to bug us again? I am telling you I am going to kill you this time and I'll make sure that you're going to die for good." Seryosong sabi nito.

Ngumiti ako ng maasim kay Ferdie. "You're welcome." Pagkasabi noon ay tiningnan ko siya ng masama. Napabuga ako ng hangin at napailing tapos ay tumingin kay JD. "Did you brief him about this? Bakit kasi pinapunta mo pa siya dito?"

"He needs to know what's going on. Asawa niya ang involve dito." Sagot ni JD.

"Kleng? What's wrong with Kleng?" Taka ni Ferdie at tumingin sa akin. "What did you do this time?" Tumaas na ang boses nito.

Napa-rolyo ako ng mata at napapailing na tumingin kay JD. "He hasn't changed a bit. Mainitin pa rin ang bayaw mo."

"Relax, Ferdie. Nothing is going on. Gusto lang makasiguro ni Declan kung nagpunta ang babaeng ito sa bahay 'nyo?" Ipinakita ni JD ang mga litrato ni Stacey sa bayaw niya.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon