11-THE NEWLY-WED KILLER

7K 386 325
                                        

How to kill people who pissed you off? SMILE. And kill them slowly in your next story. - HM

——————-

The Killer's POV

Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ng mag-asawa habang pababa sila sa kanilang sinasakyan. Binuksan ng lalaki ang compartment ng kotse at inilabas ang mga maletang naroon. Halatang galing sa mahabang biyahe. Kinuha ko ang telepono ko at binuksan ang isang Facebook account. Rhian Benavidez ang pangalan na naroon. Sa profile picture ay picture ng babae at ng asawa niya. Kuha noong ikinasal sila dalawang linggo ang nakakaraan.

Patuloy ako sa pagba-browse ng ng Facebook account. Naroon ang mga kaganapan sa buhay niya at ng asawa. Naka-public ang settings kaya madaling-madali kong makita. Napangisi ako. Madali na para sa akin ang sundan ang mga bibiktimahin ko. Ilang pindot at search lang sa cellphone at computers, nakabilad na sa akin ang buhay ng mga target ko.

Last month ko pa sinusundan ang couple na ito. Nakita ko sa wedding announcement ng isang broadsheet. Natipuhan ko ang babae. Maganda. Guwapo din naman ang mapapangasawa niya kaya bagay sila.

Nagtatawanan pa ang mag-asawa habang papasok sa kanilang bahay. Naglalambingan. Ako ay nanatiling nakatayo hindi kalayuan sa bahay nila habang nakasukbit sa likuran ko ang isang backpack. Tinitingnan kong maigi ang kapaligiran. Sinisiguro kong walang cctv cameras na makakakita sa akin. Doon ako nagkamali noon kaya ako nahuli. Sisiguraduhin ko ngayon na walang kahit sinong makakahuli sa akin.

Kahit pa ang Declan Laxamana na iyon.

Wala sa loob na nahawakan ko ang pisngi ko na may mahabang peklat. Malalim ang pinanggalingan na sugat ng peklat na iyon na kahit na sinong reconstructive surgeon ay walang magawa para ayusin ito. Sinira ng gagong iyon ang mukha ko. Sa katawan ko ay marami pa ding mga peklat na kagagawan din niya. Bakas ng matinding pagpapahirap na ginawa niya noon sa akin.

Taon na ang binilang ng pangyayaring iyon pero hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Hindi ko makakalimutan ang mga pahirap na ginawa niya sa akin. Pero alam kong darating din ang panahon na makakaganti ako sa kanya.

Sa ngayon, ito na muna ang pagtutuunan ko ng pansin. Ilang taon din akong nagtago, nagpagaling at pinilit na ayusin ang sarili ko.

Nagtiyaga akong maghintay. Hindi ako madaling mainip. Iyon ang isa sa mga katangian ko na nakakatulong sa akin para maisakatuparan ko ang mga krimen ko. Patience. Tumingin ako sa relo at nakita kong pasado alas-diyes na. Patay na ang ilaw sa bahay na binabantayan ko. Tingin ko ay mga nagpahinga na ang mag-asawang dumating.

Doon ako kumilos. Palinga-linga pa ako sa paligid at siniguro kong walang tao ang makakakita sa akin. Umikot ako sa likurang bahagi ng bahay at sinubukan kong buksan ang pinto. Naka-lock. Pero madali namang buksan ang pinto na iyon. Lock pick lang ang katapat. Ilang beses ko na ba itong nagawa? Konting ikot ng doorknob at walang kahirap-hirap na bumukas ang pinto. Walang ingay akong pumasok. Kabisado ko na naman ang bahay na ito. Bago pa sila dumating, na-familiariaze ko na ang sarili ko dito. Sa itaas ang kuwarto nila kaya doon ako dumiretso. Tumayo ako sa tapat ng silid ng mag-asawa at dahan-dahan iyong binuksan.

Hindi ko maintindihan ang excitement na gumapang sa katawan ko nang makita ko silang dalawa sa kama. Kapwa hubad. Ginagawa ang normal na ginagawa ng mag-asawa.

Nakahiga sa kama ang lalaki. Nakahawak sa boobs ng babae habang ang babae naman ay nasa ibabaw nito. Gumigiling. Pakiramdam ko ay nag-init ang katawan ko sa nakita kong ginagawa nila. Pinapanood ko lang habang parang mababaliw sa paghalinghing ang babae. Ang lalaki naman ay panay din ang ungol. Hindi nila ako pansin na nakatayo lang sa may pinto ng silid nila. Kinuha ko ang backpack sa likuran ko at walang ingay na ibinaba iyon. Dahan-dahang binuksan ang zipper at inilabas ang laman.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon