13-FLASHBACKS

6.6K 346 273
                                    

"Our mind is strange. Forgets the best memories.. and reminds the worst.. to haunt us always" - Sahina

June's POV

Kanina pa ako nakahiga sa kama at ilang beses ko na ring tinitingnan ang cellphone na nakapatong lang sa bedside table. Kanina ko pa hinawakan, binitiwan tapos ay hinawakan ulit ang cellphone na iniwan ni Wade sa akin. Tinitingnan ko ang ang list ng nasa contact. Wala naman nakalagay doon kundi number lang ni Wade at ng kaibigan niyang si Nico. Ayoko din naman na istorbohin si Nico at may sarili din naman daw na pamilya iyon sabi ni Wade.

Tumingin ako sa relo. Pasado ala-siyete na ng gabi. Kagabi pa wala si Wade at hindi ko man lang alam kung uuwi ba siya ngayong gabi. Ganito kaya talaga siya? Hindi man lang tumatawag para magsabi kung anong nangyayari sa kanya o uuwian ba niya ako? Siguro ito ang pinag-aawayan namin noon bilang mag-asawa. Kaya siguro ganoon siya sa akin na medyo malamig siya. Hindi kaya may ibang babae ang asawa ko?

Bumangon ako sa kama at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Okay na naman ang pakiramdam ko. Ang mga sugat ko, naghilom na. Magaang na ang katawan ko at nakakagalaw na ako ng normal. Kung darating si Wade ngayong gabi, mag-uusap kami. Kailangang sabihin niya sa akin kung mayroon man kaming problema na mag-asawa para maayos namin.

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Pupunta ako sa kusina. Pero bago tumuloy doon ay iginala ko ang tingin ko sa buong bahay. Bakit ganoon? Wala man lang kaming litrato ni Wade na magkasama. Walang mga photo albums, picture frames man lang na kuha noong kasal namin. Saglit akong napatingin sa daliri ko.

Wala din kaming wedding ring.

Bakit wala man lang kaming wedding ring. Kahit si Wade hindi ko nakikita na may suot siyang singsing.

Ikinasal nga kaya kaming dalawa?

Napapitlag ako nang tumunog ang telepono sa bulsa ko. Kay Wade galing ang text message.

On my way home.

Iyon ang nareceive kong text. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng excitement na pauwi na siya. Sa totoo lang, kahit marami akong tanong tungkol sa pagsasama namin ni Wade, kapag kasama ko siya nawawala lahat iyon.

Dumiretso ako sa kusina. Nagbukas ako ng ref at tiningnan ko kung ano ang puwede kong mailuto doon. Gusto kong sorpresahin si Wade ng isang masarap na hapunan. Pagbukas ko ng freezer ay mayroong frozen shrimps. Inilabas ko. Bahala na kung anong klaseng luto ang magawa ko dito. Gisa-gisa siguro puwede na.

Kumuha din ako ng mga gulay na puwedeng ipang-garnish. Sibuyas, bawang. Onion leeks at nagsimula akong hiwain ang mga iyon. Napapangiti pa ako. Sigurado ako, magugustuhan ni Wade na may nakahain na totoong lutong pagkain sa mesa kapag dumating na siya. Hindi laging bili sa karinderya sa tapat ang pagkain namin.

Hinihiwa ko ang onion leeks nang biglang maramdaman kong parang binibiyak ang ulo ko. Napatukod ang kamay ko sa mesa habang napapapikit dahil sobrang sakit ng ulo ko. May mga nakikita ako. Malabo na unti-unting lumilinaw. Kutsilyo. Napakaraming iba't-ibang uri ng kutsilyo.

Mariin kong hinilot-hilot ang ulo ko pero lalo lang sumakit iyon. Parang eksena sa pelikula ang nakikita ko. Dumampot ako ng kutsilyo at ibinabato iyon sa kaharap na target na papel. Hanggang sa may makita akong lalaki. Sino iyon? Biglang akong hinawakan. Nanlilisik ang kamay ng lalaki at mukhang gagawa ng hindi maganda sa akin. May hawak akong kutsilyo at mabilis kong hiniwa ang leeg ng lalaking humawak sa akin.

Las-las ang leeg habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin ang lalaki. Tumutulo ang pulang-pulang dugo mula sa leeg niya at napaluhod siya sa harap ko habang salo ang leeg niya at naghahabol ng hininga. Ang kamay ko ay hawak pa rin ang kutsilyo at punong-puno din ng dugo.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon