Declan's POV"You need to report to your agency, Dec. Araw-araw kinakalampag ng boss mong si Coleman si JD. Araw-araw din akong kinukulit ni JD na sabihin kung nasaan ka. Hindi siya naniniwalang hindi ko alam kung saan ka naglulungga ngayon."
I can sense a desperation on Yosh's voice. Pati ang hitsura niya sa harapan ko ay halatang nag-aalala. It's been a week since I last reported to my agency and after that, I turned off all my communications to them. I went off the grid. Hindi din ako lumalabas dito sa bahay niya dahil tinututukan ko si Stacey. Every day was like a gamble with her. Every day, I was waiting if her memory was going to come back and she would remember me.
"Ang dami-daming conspiracy theories na nabubuo tuloy tungkol sa iyo. First, people in your agency thinks that you killed Stacey. Second, they think that you gone rogue and joined forces with the enemy. Sino nga ang sinusundan mo ngayon? Ang grupo ni Carmela Salazar. Siraulo ka. Pumutok tuloy sa agency 'nyo ang balita na trumabaho ka ng hindi alam ng boss mo." Patuloy sa paglalabas ng mga gamit sa dala niyang eco bag si Yosh. Damit, pagkain, toiletries para kay Stacey. "May mga undergarments din diyan. Don't worry, I didn't look at it. Si Sesi ang nag-prepare niyan." Sabi pa niya.
Napahinga lang ako ng malalim at tiningnan ang mga gamit na naroon tapos ay tinapunan ko ng tingin ang nakasaradong pinto ng silid ni Stacey.
"I can't leave her here. She is a ticking time bomb, Yosh. Hindi ko alam kung kailan babalik ang alaala niya." Napakamot ako ng ulo at naisuklay ang kamay sa buhok.
"'Di dalhin mo sa agency 'nyo. Matutulungan siya doon."
Umiling ako. "Pag-aaralan lang siya doon. Pipilitin pigain ang utak at alamin kung mayroon siyang nai-reveal na mga data sa iba tungkol sa agency. Hindi puwede." Matigas na tanggi ko.
Tumaas ang kilay ni Yosh sa akin. Tapos ay napangiti.
"Tama ba ang nasi-sense ko?"
Kumunot ang noo ko. "Anong nasi-sense mo? Clairvoyant ka na ngayon?"
"You care for her."
"Fuck you. I am not. She almost killed me."
Lalong siyang natawa. "Ulol. Sinong lolokohin mo? Hindi ka ganyan sa ibang babae. Wala kang pakialam sa mga babae unless si Kleng ang babaeng iyon. Pero ngayon, you are afraid that something might happen to her." Tonong nanunukso pa rin siya. "Naka-move on ka na kay Kleng? Stacey na ngayon?"
"Fuck you," inis na sabi ko. Ano ba ang sinasabi ng gagong ito? "Wala lang akong choice kaya siya nandito."
"You had a choice to turn her in to your agency, but you decided to keep her here. That's a big fucked up decision, man."
Marahan kong hinilot-hilot ang magkabilang sentido ko tapos ay narinig kong nag-alarm ang cellphone ko. Mabilis akong tumayo at tinungo ko ang silid ni Stacey.
"Saan ka pupunta?"
"Oras niyang uminom ng gamot. Balik ako diyan." Dire-diretso na akong pumasok sa silid ng babae.
Naabutan kong natutulog sa kama si Stacey. Sa isang linggo pananatili namin dito, madalas naman siyang tulog. May halong sedative kasi ang mga gamot na iniinom niya. Sabi ni Mervin, para na rin daw kasi sa pain ng mga sugat niya at galos sa katawan. Lumapit ako kay Stacey at tiningnan siya. Kahit paano, malaki na rin ang ipinagbago ng hitsura. Papalipas na ang mga pasa sa mukha at katawan. Papagaling na ang mga galos at sugat gawa ng pagkaka-aksidente namin.

BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
RomanceOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...