Love is giving someone the power to destroy you... but trusting them not to...
--------------------------
Stacey's POV
I am sure something was not right. Diretso ako sa office ni Chief pero wala siya doon. Gusto kong malaman kung may alam sila sa nangyari kanina sa bad deal na nangyari kay Torque. At kung mayroon, talagang aawayin ko siya dahil hindi man lang niya ako sinabihan na may iba silang plano. Nahawakan ko ang balikat ko dahil nakaramdam ako ng ngalay doon. Dumiretso ako sa banyo at naiiling ako nang makita ko ang sarili ko. I was a mess. Inilapit ko pa ang tingin ko sa salamin at doon ko nakita na may dugo sa damit ko. Hindi lang masyadong halata dahil red checkered polo ang suot ko. Nang tiningnan ko ay mahina akong napamura. I got a flesh wound. Pero masakit pa rin. Ayaw ko namang pumunta pa sa doctor dito at siguradong magtatagal pa ako dahil maraming interviews pa ang gagawin at maraming paper works na kailangang ibigay tungkol sa nangyari. Umalis ako at dumiretsong umuwi. Doon ko na lang gagamutin ang sugat ko at magpapahinga. Bukas ko na haharapin ang lahat ng ito.
Pagdating ko sa bahay ay doon ako nakaramdam ng pagod. Nasa pinto pa lang ako ay parang tinatawag na ako ng kama. Pagsuot ko ng susi sa doorknob ay kataka-takang biglang bumukas iyon. Agad kong dinukot ang baril ko at ikinasa at dahan-dahang pumasok. Nalaman na ba ng grupo ni Torque kung sino ako? Walang nakakaalam ng tinutuluyan ko kundi si Dustin lang. Madilim ang buong paligid pero umasulto sa pang-amoy ko ang masarap na amoy ng pagkain.
Biglang may gumalaw sa tabi ko at mabilis ko iyong hinila at isinalya sa pader tapos ay tinutukan ng baril sa mukha kung sino man ang pangahas na pumasok sa bahay ko.
"It's me! It's me!"
Kumunot ang noo ko. What the fuck? "Declan?" Mabilis kong pinindot ang switch ng ilaw at nakita kong nakasalya nga siya sa pader at nakataas pa ang dalawang kamay habang ang braso ko ay nakadiin sa leeg niya at nakatutok ang baril sa isang kamay ko sa mukha niya.
Ngumiti siya ng alanganin sa akin. "Surprise?"
"What the fuck?! Shit!" Inis ko siyang binitiwan at tinanggal sa pagkakasa ang baril ko at at ihinagis iyon sa couch. Ang lakas pa rin ng kaba ko dahil iniisip ko ay ibang tao ang nakapasok dito. "How did you get in here?" Ilang beses akong napabuga ng hangin at naihilamos ang kamay sa mukha ko.
"I asked Dustin. Wala din naman kasi akong magawa na mag-imbestiga sa nangyari. Martin was investigating it already." Kaswal na sagot niya. "I cooked. Fried chicken, pansit guisado and chopsuey." Tumingin siya sa kusina pero natawa. "Technically, ininit ko lang pala. You know I can't cook."
Marahan kong hinilot ang ulo ko. "Please, go home. Not today. I want to rest. Today is too much." Napa-ngiwi ako nang igalaw ko ang braso ko. Hinubad ko ang suot kong red checkered polo at kitang-kita sa white inner sando ko ang dugo na galing sa sugat ko sa balikat.
"You've been shot? Why you didn't tell me?" Mabilis na lumapit sa akin si Declan at hitsurang natataranta habang tinitingnan ang sugat ko sa balikat.
"It's just a flesh wound. I'll live. Huwag kang OA," inirapan ko pa siya muling napailing nang igalaw ko ang balikat ko.
"Ang daming dugo. Stay still. Where is your first aid kit?" Seryosong tanong nito.
Tiningnan ko siya at natawa ako. "Are you sure you're going attend my wounds? Naalala ko noon, noong ako pa ang fake mong asawa halos magmakaawa akong tulungan mo sa mga sugat ko pero deadma ka." Marahan ko siyang itinulak at ako na ang tumayo. Naglakad ako at dumiretso sa nag-iisang kuwarto doon at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang medicine cabinet doon at kinuha ang isang maliit na bag ng first aid kit.

BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
RomanceOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...