21-PULL THE TRIGGER

6.3K 373 199
                                        

"You know you really love someone when you can't hate them for breaking your heart." - Unknown

===================================

June's POV

            Nasa loob ako ng sasakyan at sa backseat ako nakapuwesto. Naka-posas ang mga kamay at paa ko at nakatingin ako sa mga lalaking nag-uusap sa labas ng kotse. It was Dustin talking to Declan. They were arguing. I was trying to remove the handcuffs when Declan opened the door of the car and sat in front of the steering wheel.

            I was mad. I was frustrated. I wanted to kill him right now. He killed my brother. Kuya Jay was my only family and this asshole took him away from me.

            "June."

            Tinawag niya ang pangalan ko pero nanatili akong nakayuko at pilit na tinatanggal ang pagkakaposas ng kamay ko. Shit. What kind of handcuffs are these? I knew how to remove these without using any key.

            "You're the sister of Jay? How did you become an agent?"

            Hindi pa rin ako sumagot. Damn it. Masakit na ang mga kamay ko. Sigurado akong may mga sugat na rin ito.

            "I heard you're looking for me."

            Lihim akong napangiti dahil naaalis ko ang posas sa kamay ko. Pero may isa pang problema. Pati ang mga paa ko ay naka-posas din.

            Tumingin ako sa rearview mirror at nakita kong nakatingin din sa akin si Declan. Bahala na kahit naka-posas ang mga paa ko. At least my hands were free. I can do anything and I'll have a chance to get out of here.

            "Matagal na kitang hinahanap." Sagot ko sa kanya at nanatili akong nakangisi habang nakatingin sa rearview mirror. "Para magawa ko ito."

            Hindi ko na binigyan ng pagkakataon na makakilos pa si Declan. Mabilis akong dumukwang at ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya para masakal siya. I am going to kill this son of a bitch. He took the life of my brother and I going to take his.

            Gumewang-gewang ang sinasakyan namin. Wala ng control. Ibinigay ko ang lahat ng lakas ko para masakal ko siya. I heard he was a bad ass agent. Too bad, I am one hell of a bad ass too. Patas lang kami. Matira ang matibay sa aming dalawa.

            Naramdaman kong bumilis ang sinasakyan naming kotse pero hindi ako bumibitaw sa pagkakasakal sa kanya. At napakabilis ng pangyayari. Bago pa ako makakilos ay ibinangga na ni Declan ang sinasakyan namin sa poste ng kuryente.

            I remembered the accident. I remembered everything.

            Mahigpit ang hawak ko sa baril na nakatutok kay Declan. Ang totoo, nalilito ako ngayon. My mind was telling me to shoot him, but my hands were shaking. Hindi ako ganito. Kung papatay ako ng tao lalo na at misyon ko, hindi ako nagdadalawang isip. But Declan was looking at me. His eyes were pleading, and I couldn't look at him.

            I knew I programmed myself to haunt and kill Declan Laxamana. I can easily do it now. I have the gun and he was tied to a chair. He couldn't do anything if I pulled the trigger. What the hell was wrong with me? Why can't I pull the trigger?

            "Barilin mo na. Napakarami niyang kasalanan sa iyo."

            Tumingin ako kay Rommel at nakatayo lang siya malapit sa akin. Alam kong naghihintay siya ng pagkakataon na makuha sa akin ang baril. Alam ko ang gagawin ko sa ganitong pagkakataon. I trained for this kind of situation.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon