30-SHOOT HER

6.2K 413 177
                                        

Love is unknown. To open the heart in trust is unknown. - Don Miguel Ruiz

Stacey's POV

            "Who is Torque?"

            Gulat akong napatingin kay Declan nang marinig ko ang pangalan na tinanong niya.

            "Who?" Paniniguro ko. Talaga bang iyon ang pangalan na itinanong niya? Paano niya iyon nalaman?

            Sumimangot ang mukha niya at nanatiling nakatingin sa kalsada.

            "The name is Torque. Don't act like you don't know what I am talking about," seryosong sagot niya sa akin.

            "Hindi mo na kailangang malaman kung sino si Torque. At paano nalaman ang pangalan na iyon? Ang daming dapat intindihin sa case na ito kung sino-sino ang tinatanong mo. Alam mo na ba ang cover mo kapag dumating tayo kay Carmela? Do you know how to act?" Tiningnan ko siya ng masawa at tumawa ng nakakaloko. "That was a stupid question. Magaling ka nga palang umarte. Ilang buwan ka ring umarte na asawa ko kuno." Ipinakita ko ang pag-disgusto dahil naalala ko na naman ang mga nangyari sa amin ng mga nakalipas na buwan.

            Pinaandar ni Declan ang kotse at tumingin sa akin. Ngumisi ng nakakaloko. Inirapan ko lang siya. Naiinis talaga ako sa kanya. Nakakainis kapag nakikita ko siyang ngumingiti. Nakakasuka ang amoy niya. Dinukot ko ang isang maliit na lalagyan ng Vicks vaporub sa bag ko at naglagay ng konti sa ilong para hindi ko maamoy ang lalaking ito.

            "May sipon ka?" Tanong pa niya.

            "Wala. Ayaw lang kitang maamoy." Asar na sagot ko.

            Kumunot ang noo niya at inamoy ang sarili. "Ayaw mo akong maamoy? Hindi na naman ako amoy suka." Natawa siya. "Sinukahan mo kasi ako. Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ka nasuka?"

            "Kasi nga mabaho ka. Puwede ba, huwag ka ng magsalita. Naiirita talaga ako sa iyo," itinutok ko na lang ang pansin ko sa hawak kong telepono dahil naka-receive ako ng message galing kay Carmela.

            "Ako pa ang mabaho?" Muli ay inamoy ni Declan ang sarili. "Mabango ang fabric softener ko. Mabango ang pabango. This is Bulgari. Bagong scent nila. Nababahuan ka?"

            Pigil na pigil ang inis ko. Ayaw tumigil ni Declan. Kalalaking tao napakadaldal.

            Naka-receive ako ng text galing kay Carmela. Nasa safe house daw sila at doon ako dumiretso.

            "I-diretso mo sa address na ito." Utos ko kay Declan at ipinakita ang panibagong address na na-receive ko.

            Tumango-tango si Declan at patuloy lang na nag-drive.

            "So, my cover is I am going to be your new recruit?" Paniniguro niya.

            Tumango lang ako at patuloy na nagpipindot sa cellphone ko.

            "Dapat may initiation ako." Sabi pa niya.

            Inis ko siyang tiningnan. "Hindi ba talaga titikom ang bibig mo? Napakadaldal mo para sa isang lalaki." Iritableng sagot ko.

            "I am just asking questions." Katwiran nito.

            "Masyado kang maraming tanong." Napahinga ako ng malalim. "Hindi dahil sa pumayag akong makasama ka sa case na ito, magiging magkaibigan na tayo o magkakasundo na tayo. Wala lang akong choice kaya ka nandito. This case is important to me because I invested so much on this. Kaya huwag kang makipag-usap na para tayong close na close."

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon