7-DINNER

6.4K 385 419
                                    




Declan's POV

Gusto kong suntukin ang mukha ni Yosh dahil talagang nakakaasar ang ngiti niya ng pumasok ako sa loob ng bahay.

Kahit hindi siya nakatingin sa akin at abala siya sa pag-aayos ng mga plato sa mesa, hindi naman maikakaila sa mukha niya na inaasar niya ako.

Humuhuni pa siya tapos maya-maya ay kumakanta na habang inaayos ang mga kubyertos sa tabi ng mga pinggan.

"My ding a ling, my ding a ling... I want to play my ding a ling... my ding a ling... I want to play my ding a ling," naiiling na tumatawa pa siya habang kinakanta niya iyon.

Alam kong inaasar niya ako dahil alam kong alam niya kung ano ang ginawa ko sa loob ng banyo. Hinubad ko ang suot kong sapatos at malakas kong ibinato sa kanya. Mabilis naman na nakaiwas si Yosh tapos ay tumatawang humarap sa akin.

"What the hell?" Wala akong mababakas na naiinis siya dahil binato ko siya ng sapatos.

"What the fuck are you saying?" Galit na sabi ko at hinubad ko ang isa ko pang sapatos at ibinato ko uli sa kanya. Sa pagkakataong ito ay ang lakas na ng halakhak ni Yosh. Namumula na siya sobrang pagtawa.

"What the hell did I do? Kumakanta lang ako," hinawakan pa nito ang tiyan dahil parang mauubusan na ng hininga kakatawa.

"My ding a ling? Anong klaseng kanta 'yan? Imbento mo, gago." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ko imbento iyon. Chuck Berry. My ding a ling. Sikat na kanta kaya 'yun 'nung seventies. Kahit i-google mo." Tumatawang sagot niya.

"Talagang igu-google ko at kapag nalaman kong ginagago mo ako, lalagyan ko ng blackeye 'yang mata mo."

"Ohh... I am scared." Kunwari ay natatakot pa sa akin ang hitsura niya pero natatawa naman. "Ganyan ba ang effect kapag nakaraos mag-" ibinitin niya ang sasabihin tapos ay nagmuwestra siya ng parang nagma-masturbate. Katulad ng pang-aasar ko sa kanya noon. "Ano nga ang sabi mo sa akin noon? Ikaw lang ang active ang sex life tapos ako kamay lang ang active? Parang baligtad na yata ang sitwasyon ngayon."

"Huwag kang mayabang, Sanchez. Hindi dahil nakuha mo na si Sesi forever ka ng active ang sex life. Bakit nandito ka at wala ka sa kandungan ng syota mo?" Asar kong sagot.

"You told me you need me here. Saka si Sesi, understanding iyon. Nang sinabi ko na ikaw ang may kailangan ng tulong, pinapunta niya agad ako dito. Ikaw lang ang ungrateful," naiiling na sabi niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sinipa pa ang sapatos kong nasa lapag. "Ipinagluto na, nambabato pa ng sapatos." Parang batang bubulong-bulong pa ito tapos ay muling humuni na naman. 'Yung my ding a ling niyang kinakanta kanina.

"'Tangina ka, Sanchez kakapunin talaga kita." Pikon na pikon ako sa kanya. Hindi ko inakala na magkakabaligtad ang sitwasyon namin ng gagong ito. Ang lakas kong alaskahin ito noon.

"Para kumakanta lang ako," ngayon ay sumisipol na lang ito. Same tune pa din. "Puntahan mo ang instant asawa mo. Kanina pa nagtatawag sa banyo. Hindi ko naman mapasok dahil baka mamaya naka-burles na naman iyon. Alam mo namang katawan lang ni Sesi ang gusto kong makitang hubad."

Tinalikuran ko na siya at tinungo ko ang kuwarto ni Stacey. Malakas akong bumuga ng hangin. Sana, sana naman hindi na siya nakahubad kapag pumasok ako. Pero siguro wala ng effect kung makita ko man siyang nakahubad ngayon. Nakaraos na ako. Nailabas ko na ang init ng katawan, libog lang ang nararamdaman ko sa kanya at siguradong okay na ako.

Muli akong huminga ng malalim at tuloy-tuloy na pumasok. Wala pa sa kama si Stacey. Siguradong nasa banyo pa ito.

"Selma?"

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon