19-GO HOME

5.1K 354 197
                                    

"Truth is like the sun. You can shut it out for a time but it ain't goin' away." - Elvis Presley

=================

Declan's POV

            Strange.

            Bakit hindi sumasagot sa tawag ko si Stacey? Ilang beses na akong nag-message sa kanya pero wala ding reply kahit sa messenger. Seen zoned lang.

            Busy ka ba? Naka-ready na ba ang hapunan ko?

            Napangiti pa ako nang i-send iyon. Naalala ko na naman ang kalokohan na ginawa niya kanina na nag-send siya ng nude photo sa akin. That was the dinner that I was telling her about, and I can't wait to taste her again.

            Seen ulit.

            That was weird. Wala sa ugali ni Stacey ang mag-seen zone sa mga messages ko. Kung mayroon man akong natuklasan sa ugali niya habang magkasama kami, iyon ay ang pagiging persistent niya.

            Go home.

            Iyon ang reply niya sa akin.

            Baka busy sa pagluluto. Iyon na lang ang naisip ko. Ibinato ko ang telepono at itinutok ko ang atensyon sa pagmamaneho.

            Naalala ko ang sinabi ni daddy. Stacey was also working for him. Alam kaya ng agency iyon? At ano naman ang trabaho niya kay daddy? My dad only gets bad-ass agents to be his killers. Napahinga ako ng malalalim nang maalala ko noon ang sinabi sa akin ni Ted. Stacey was Ted's triggerman. Walang konsensiya kung pumatay.

            And what would happen if her memories came back?

            What would happen to us?

            Ipinarada ko ang minamaneho kong kotse sa tapat ng bahay at huminga ng malalim. Inayos ko pa ang sarili ko at nilingon ang bungkos ng bulaklak na binili ko para kay Stacey. Roses. I am sure she's going to like these. Natawa ako sa sarili ko. The last time that I had given flowers was years ago. Sa Samar pa. Kay Kleng. Napangiti ako at napailing. I am way past over her. Si Stacey na ngayon and what I feel for her was too intense than Kleng.

Kinuha ko ang mga bulaklak at inayos-ayos tapos ay bumaba ng sasakyan. Isinukbit ko ang backpack sa likod at lumakad papasok sa bahay.

Papasok na lang ako nang tumunog ang telepono ko. Napangiti ako nang makilala kung sino iyon.

"What do you want?" Hindi agad ako pumasok at huminto muna sa labas ng bahay.

"Na-miss lang kita." Natatawang sagot ni Yosh.

"Mukhang lagi mo naman akong nami-miss. Hindi kaya ako talaga ang mahal mo at hindi si Sesi?" Tumatawang sabi ko.

Minura ako ni Yosh kaya lalo akong napatawa ng malakas. "What do you want?"

"Well, everything about the Newly-Wed Killer is already dead end. Sorry." Tonong disappointed si Yosh.

Napahinga ako ng malalim. And it was disappointing. Ngayon pang gusto ko na talagang matapos ang case na iyon para naman ma-enjoy ko si Stacey.

"There is no new case. I think the killer is pausing again. Tamang-tama iyon para magkaroon ako ng maraming time sa paghahanap sa kanya." Sagot ko at binuksan ko ang pinto ng bahay. "Hindi mo pa naman kailangan ang bahay na ito 'di ba? Makakapag-bahay-bahayan pa rin kami ni Stacey dito?" Tanong ko pa sa kanya. Iginala ko ang paningin ko sa buong bahay. Strange. Bakit medyo magulo ang mga gamit dito? The furniture and displays were in disarray. Stacey doesn't want things not in order. "Selma?" Tawag ko sa pangalan niya.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon