26-HEADBUTT

5.5K 382 200
                                    

"Nothing turns to hate so bitter as what once was love." - Laurell K. Hamilton

Declan's POV

            Wala akong imik habang kumakain ng breakfast. Nagpa-deliver lang ako ng McDonalds. Big breakfast saka pancakes. Ibinili ko na rin si Daddy dahil ilang gabi na rin akong dito natutulog sa bahay niya. Bagong bahay niya ito dahil ang bahay namin dati na tinitirhan naming pamilya ay ibinenta na niya. Masyado daw maraming memories si Mommy doon. Tumingin ako sa hagdan habang umiinom ng kape. Naroon si Daddy pababa at halatang bagong gising lang.

            "You cooked?" Tanong niya at lumapit sa mesa. Tiningnan ang pagkain tapos ay tiningnan ako ng masama. "Fast food. Kaya walang sustansiya sa katawan mo paano mga ganito ang kinakain mo." Napangiwi pa siya at dumiretso sa ref. Nagbukas at naglabas doon nga mga gulay, ham, itlog at dumiretso sa kusina. Patuloy lang ako sa pagkain habang sinusundan ng tingin si Daddy. Humuhuni pa ito habang nagpi-prepare ng niluluto niya. Napakunot ako ng noo. Parang alam ko ang tono na iyon.

            Nasamid ako at napaubo-ubo nang maalala ko kung ano 'yun. 'Tangina. 'Yung kinakanta dati ni Yosh. My ding-a-ling.

            "Will you stop humming," inis kong saway kay Daddy. Dinampot ko ang kape at uminom doon.

            Nilingon niya ako at nagtatanong ang tingin sa akin. "Something wrong with my humming? It's a nice song. Chuck Berry. My ding-a-"

            "I know that song and I hate it." Asar kong sagot at dumampot ako ng pancake at kumagat. Naalala ko lang noong magkasama pa kami ni Stacey at pinagbatehan ko siya dahil nakita ko siyang halos hubad na. Shit. Fucking memories.

            Natawa si Daddy at nagpatuloy sa pagluluto. Nang matapos ay lumapit sa akin at inilapag sa harap ko ang isang plato.

            "Spanish omelet with ham, mushroom and green pepper. Wheat bread. Sunny side up eggs. Iyan ang totoong big breakfast hindi 'yang ini-order mo sa fast food. Mga processed food 'yan. Come on. Eat." tonong nanenermon si daddy at nagsalin ng kape sa baso niya.

            Sinamaan ko siya ng tingin at pumiraso ako sa niluto niya at kinain. Masarap nga. Naalala ko noong buhay pa si Mommy, laging sinasabi sa akin na kaya daw niya minahal si Daddy kasi magaling daw itong magluto.

            Tiningnan ko si Daddy, halatang masaya siya na nandito ako at kasama niya. Hindi man kami masyadong nag-uusap dahil umiiwas ako ay okay na din sa kanya. But I can still see pain and sadness in his eyes. He still misses my mother. Isama pa ang guilt na talagang unti-unting pumapatay sa kanya.

            Hindi ko na napansin ang pagkain na binili ko at ang inubos ko na ay ang niluto ni Daddy. Kita kong napapangiti pa siya habang tinitingnan akong kumain samantalang siya ay kape lang ang iniinom.

            "You don't want to eat?" Tanong ko.

            Umiling siya. "It's for you. Ubusin mo." Tumayo siya at muling nagtungo sa kusina. Nakita kong mga bote ng gamot ang hawak. Mga vitamins siguro. Maintenance medicine niya. Nasa fifties na si Daddy pero matikas pa rin talaga. Kung tutuusin puwede pa siyang mag-asawa.

            "Why didn't you get marry again?"

            Napaubo si Daddy sa tanong ko. Nahawakan pa ang leeg. Tingin ko ay bumara ang ininom na gamot sa lalamunan. Uminom ng maraming tubig.

            "Ano ba ang itinatanong mong bata ka? Mabubulunan pa ako sa mga sinasabi mo," nauubo pa rin si daddy nang sagutin ako.

            Natawa ako at nagpatuloy sa pagkain. "After mom. Why you didn't get married?"

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon