Declan's POV"And someone is in good mood."
Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin lang sa mga folders na nasa harap ko. Hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Chief Coleman nang pumasok ito sa conference room kung saan ko inaaral ang mga files ng Newly-Wed Killer.
Saka bakit niya sasabihin na good mood ako? Well, good mood dahil sa nangyari sa amni Stacey pero dumaan lang talaga ako dito para matapos na ang investigation sa case ng newly-wed killer na ito. Ang totoo kasi, ayaw ko ng pumunta pa dito sa agency.
May ibinagsak siyang mga folders pa sa harap ko kaya tiningnan ko siya ng masama.
"June Mangayam's files. I want you to check it." Napahinga ng malalim si Chief. "It's been weeks. Wala pa ring balita sa kanya. If she's dead, at least we should know what happened to her."
Inilayo ko ang mga folders sa akin at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng files ni Antonio Sitar. Lahat ng nababasa ko ay puro dead-end. Ito rin ang mga sinabi ni Yosh sa akin.
Naupo sa harap ko si Chief at nanatiling nakatingin lang sa akin.
"What?" Naiinis ako sa kanya. Bakit ba niya ako iniistorbo dito? Gusto ko na lang matapos ang case na ito, mahuli ang killer na iyon at nang makauwi na ako kay Stacey. I am missing her already.
Tumunog ang telepono ko. Nag-message si Stacey sa messenger ko.
What do you want for dinner? Ako ulit?
Napangiti ako at napailing. Agad na bumalik sa alaala ko ang mga ginawa namin. I never knew that she was that wild and I liked it. I wanted to taste her again. Make love to her again. I never felt this need to be with someone.
Can't wait to go home and taste you again.
Iyon ang isinagot ko sa kanya at muli kong ibinulsa ang telepono ko.
"Okay na kayo ng daddy mo? Nagkaintindihan na kayo?"
Tinapunan ko ng tingin si Chief at napahinga ng malalim. "I don't know."
"Declan, tatay mo iyon. Kung ano man ang nangyari, kung may nagawa man siya, pinagsisihan na niya iyon. I've seen how your father cope up with your mother's loss. If it's not for you, matagal ng nagpakamatay ang tatay mo." Seryosong sabi ni Chief.
Kunot-noo akong tumingin sa kanya.
"Kahit galit ka sa kanya, iniisip pa rin niya ang kalagayan mo. Nangako siya sa nanay mo na hindi ka niya pababayaan." Naramdaman kong hinawakan ni Chief ang balikat ko. "Kung nasaktan ka, isipin mo kung gaano kasakit sa daddy mo ang nangyari. I hope you'll find forgiveness in your heart, Dec. Your dad won't be around forever." Pagkasabi noon ay tumayo na si Chief at tinungo ang pinto. Huminto lang nang parang may nakalimutang sabihin. "Please, look at June's file. Help us find her."
Tiningnan ko lang ang sumarang pinto tapos ay ang files ni Stacey. Hindi ko rin binuklat. Ilang beses ko na rin naming nabasa iyon. Alam ko na ang tungkol sa buhay niya.
Muli ay tumunog ang messenger ko. Si Stacey na naman.
Love? Can I call you love?
Tingin ko ay walang magawa itong si Stacey kaya nakikipag-chat sa akin.
Call me anything you want. I'll be home soon. Kailangan ko lang tapusin ang trabaho ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/229751355-288-k337749.jpg)
BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
RomansaOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...