31-SAME FEELS

6.5K 420 202
                                        

There is a thin line between love and hate.

------------------------

Declan's POV

"You said you will do anything for me. That's what I want. Shoot her."

Kitang-kita ko ang pagkataranta sa mukha ni Stacey habang papalit-palit ng tingin sa amin ni Carmela. And I was shocked too with what I heard. I can see in Carmela's face that she was serious of what she said.

I needed to act calmly. I needed to get her trust and even if Stacey's life will be put on the line, I needed to do Carmela's wish.

Tumingin ako sa tao niya at inilahad ko ang kamay ko. Hinihingi ko ang baril na nakasuksok sa beywang nito. Agad naman iyong kinuha at ibinigay sa akin. Seryoso lang akong nakatingin kay Stacey at halatang kinakabahan siya. Nakita kong nakahawak siya sa tiyan niya habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

I cocked the gun and pointed it to Stacey.

"Where do you want me to shoot her?" Kay Carmela patungkol ang tanong na iyon.

Nakita kong napaatras si Stacey at nag-aalalang nakatingin sa akin. In my mind, I was thinking of where I would shoot her where it wouldn't be fatal. On her shoulder, leg, feet. On her belly.

"Carmela."

Ibang boses iyon. Tiningnan ko ang nagsalita at nakita kong si Martin iyon.

"What?" Mataray na tanong ng babae.

"You know Torque won't like this." Tonong nagpapaalala si Martin.

Kumunot ang noo ko at humigpit ang hawak ko sa baril. Who is that fucking Torque? Bakit parang ang laki ng ambag niya sa grupong ito?

"But he is not here. I am the one running the show in this group. Wala ng say si Torque." Inis na sagot niya.

"You know that is not true. Every connection that you have, it was Torque's work, and he will kill you if he knows that something happened to his trigger man." Tonong nagpapaalala si Martin.

Umirap si Carmela at bumalik sa puwesto niya kanina at pabagsak na naupo tapos ay ngumiti ng mapakla sa akin.

"I am just joking. Don't shoot her," tumingin ito kay Stacey at ngumiti ng nakakaasar. "Stacey, darling. It's only a joke. Alam mo namang hindi kita magagawang saktan. You are a gem in this group." Tiningnan nito ang hilera ng powdered cocaine sa mesa. Dinampot ang isang naka-rolyo na dollar bill at sininghot ang cocaine.

Napalunok ako at napabuga ng hangin tapos ibinalik ang baril sa tauhan ni Carmela. Nakatingin siya sa akin at alam kong pino-probe niya ako.

"I want you to be my personal bodyguard from now on. Wherever I go, you need to be there." Ngumiti ito ng nakakaloko. "Kahit sa banyo o sa kama."

Hindi ako kumibo at tumingin ako sa gawi ni Stacey. Kita kong tahimik lang siya pero halatang nagpipigil lang ng nag-uumalpas na inis.

Pare-pareho kaming napatingin sa dumating na tao at nakilala kong si Dustin iyon. Ibang-iba ang hitsura niya kumpara sa hitsura niya kapag nasa opisina ng agency na kanang-kamay ni Chief. Bruskong-brusko ang hitsura nito. Wak-wak na faded jeans, over used shirt, sneakers. Samantalang kapag nasa opisina ay napaka-disente ng hitsura nito. Laging naka-polo or long sleeves at slacks. Minsan nagbabalat pa na sapatos.

"I have the shipping schedule from Batangas Port." Tila anunsyo nito nang makalapit sa amin. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin at dire-diretso itong lumapit kay Carmela.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon