When someone you love becomes a memory, the memory becomes a treasure.
---------------------------------
Stacey's POV
And I had the best sleep for the longest time. Madalas, mababaw lang ang tulog ko. Kahit noon pa. Kahit sa pagtulog, lagi akong alerto. Siguro nasanay ako sa training noon sa agency. Pero ngayon, pakiramdam ko nakapag-recharge ako. I experienced this kind of sleep when I was with Declan. When we were pretending to be married.
Tumingin ako sa katabi ko sa kama. Walang tao. Tumingin ako sa paligid ng kuwarto ko. Ako lang ang mag-isa doon. Bumangon ako at kinuha ko ang polo kong nakasabit sa katabing upuan at isinuot. Nasaan kaya si Declan?
Lumabas ako sa kuwarto at wala din siya doon. Dumiretso ako sa kusina at naroon din ang pagkain na nakahain kagabi. Mukhang ininit na.
"Declan?" Dumiretso ako sa sala at wala pa rin siya doon. Hanggang sa nakarinig ako nang may nagsasalita sa labas ng bahay.
"I want her out." Mahinang sabi niya sa kausap sa telepono.
Lumapit ako sa may pinto at nakinig. Sino kaya ang kausap niya?
"What do you mean you can't do anything about it? You're my dad and you can do anything. You own the agency." Inis na sabi ni Declan.
Kumunot ang noo ko. Dad? Daddy niya ang may-ari ng agency? Sino nga ba ang may-ari ng agency? Ang tagal ko na doon pero hindi ko alam kung sino talaga ang nagpapatakbo noon. Si Chief Coleman lang ang kilala naming pinakamataas doon.
"I know. But I don't want her to get hurt." Sumilip ako at nakita kong nakayuko si Declan at nilalaro ng paa ang batong inaapakan niya tapos ay natawa. "Do you want your future daughter in law to be hurt in a mission?"
Napakagat-labi ako at napangiti. Kinilig naman ako sa sinabi siya. Inipit ko pa sa tainga ko ang buhok ko at muling sumilip sa kanya.
"I am over Kassandra, Dad. Stacey's the one." Natatawang tumango-tango siya. "Fine. June. June, Stacey whatever her name is, she's the one I am going to marry."
Napahawak pa ako sa dibdib ko at hindi mawala ang ngiti ko sa labi. Sa totoo lang, ngayon lang ako kinilig ng sobra dahil sa isang lalaki. Sobra magpakilig itong si Declan.
"After this case, I want her out." Tumingin siya sa loob ng bahay. "When are we going to marry? Once this is all over, I will marry her. I want to have kids with her. Ayaw mo pa bang magka-apo?"
Wala sa loob na nahawakan ko ang tiyan ko. Nag-iisip ako kung sabihin ko na kay Declan ang tungkol sa pagbubuntis ko pero naisip ko rin na kapag nalaman niya ang kalagayan ko, siguradong pipigilan na niya ako sa pagta-trabaho sa case na ito and everything that I planned, that I worked hard for will be thrown into the trash. Napahinga ako ng malalim. Tama nga. Tama lang na pagkatapos nito, kapag nahuli na si Torque at Carmela at napabagsak ang grupo nila, sasabihin ko na magiging tatay na siya.
Mabilis akong umalis sa puwesto ko at pumunta sa kusina nang marinig kong nagpaalam na si Declan sa kausap niya. Nagkunwa akong kagigising lang nang makita kong pumasok siya at nakita ako.
"Good morning," nakangiting bati niya at agad na lumapit sa akin tapos ay yumakap at hinalikan ako. Napa-aray ako kasi natamaan niya ang sugat ko sa balikat. "Shit. Sorry." Agad siyang lumayo sa akin at tiningnan iyon. "Do you feel okay?" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"I am fine." Natatawang sagot ko at tumingin sa pagkain. "Kain tayo? I am starving." Nauna na akong umupo sa harap ng mesa at agad niyang hinila ang uupuan ko para makaupo ako doon. Inayos ang plato sa harap ko at nagsalin ng pagkain doon.
BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
RomanceOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...
