June's POVWala akong maalala.
Kahit ang tungkol sa pagkatao ko, nakaraan ko, wala talaga. Lahat malabo. Lahat parang mga panaginip na dumadaan lang tapos ay nakakalimutan ko din agad sa tuwing imumulat ko ang mata.
Kahit si Wade na asawa ko daw ay wala akong maalala tungkol sa kanya.
Kaya ba siya ganito sa akin? Distant. Walang pakialam. Ano ba ang nagawa ko bago ang aksidenteng nangyari sa akin?
Pinahid ko ang mga luha ko habang tinitingnan ko siyang nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko. Ganito naman siya sa tuwing papasok dito. Laging parang pinapaso sa tuwing haharap sa akin. Para siyang nandidiri. Siguro dahil sa hitsura ko. Hindi ko nga kayang humarap sa salamin dahil sa tuwing titingnan ko ang mga braso at katawan ko na puno ng sugat at pasa, kahit ako ay nandidiri sa hitsura ko.
Pero hindi habambuhay na nakaratay na lang ako sa kama. Hindi laging aasa na lang ako sa pag-aalaga ni Wade. Kailangan kong pilitin ang sarili ko na gumalaw ng normal. Baka sakaling makatulong na bumalik ang alaala ko.
Pinilit kong iginalaw ang katawan ko at ibaba ang mga binti ko sa kama. Sa mahigit isang linggong pagkakaratay dito, pakiramdam ko ay manhid na rin ang mga binti ko. Sinubukan kong itapak. Napabuga ako ng hangin. Ramdam ng mga talampakan ko ang malamig na semento. Humakbang ako. Isa, dalawa. Napangiti ako at kahit masakit pa ang buong katawan ko, pinilit kong humakbang para marating ko ang kalapit na banyo.
Habol ko ang hininga ko nang makarating ako sa pinto ng banyo at mahigpit na kumapit doon. Napangiwi ako at automatic na napahawak sa tagiliran ko dahil kumirot ang sugat na naroon. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang pumasok.
Gusto kong maawa sa sarili ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin.
Kahit papalipas na ang mga pasa at bugbog sa mukha ko, kitang-kita pa rin doon ang bakas na grabe ang natamo kong aksidente. Tumagilid ako at kita ko pa ang mga bahid ng natuyong dugo doon. Tinanggal ko ang pagkakabalot ng benda sa ulo ko at noon ko nakita ang laki ng tahi. Marahan ko pang diniinan at napa-aray ako. Hinawakan ko ang mukha ko. Pilit kong kinikilala ang babaeng nakikita ko sa salamin.
Anselma. Anselma Garcia Gregorio.
Iyon ang pangalan ko. Iyon ang pangalan na sinabi ng doctor na gumamot sa akin, iyon din ang sinasabi ni Wade.
Pero bakit wala akong maramdamang attachment sa pangalan na iyon? Pakiramdam ko, ibang tao ang nasa harapan ko.
Pumikit ako ng mariin at muling dumilat. Ganoon pa rin naman. Walang ipinagbago. Sariling repleksyon ko pa rin ang nakikita ko sa salamin.
Napahinga ako ng malalim at dahan-dahang hinubad ang hospital gown na suot ko. Binuksan ko ang shower at itinapat ang kamay sa tubig. Tamang-tama ang maligamgam na tubig na nanggagaling sa dutsa. Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Wade kanina.
Asawa niya ako. Nagpapatulong akong maligo pero bakit parang nandiri pa siya sa sinabi ko. Ano ba ang nagawa ko sa kanya para maramdaman kong namumuhi siya sa akin?
Itinapat ko ang sarili ko sa tubig at ibang klaseng ginhawa ang ibinigay noon. Pinilit kong abutin ang sabon na nakalimutan kong kunin sa lababo kaya dumulas ang paa ko sa tiled floor at tuloy-tuloy akong bumagsak sa sahig. Tumama ang balakang ko sa semento at nakatabon sa akin ang shower curtain na nahila ko.
BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
RomanceOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...