"It's amazing how someone can break your heart and you can still love them with all the little pieces." - Ella Harper
June's POV
Alam ko na hinahanap na ako ng agency. Mag-iisang buwan na rin kasi magmula nang puntahan ko si Dustin at takasan din. Pinuntahan ko lang naman siya dahil may kailangan ako sa kanya at nang makuha ko ang kailangan ko, umalis din ako ng walang paalam. Nag-iwan lang ako ng sulat na may nakalagay na: I'll be gone for a while. Don't look for me. Alam kong alam na niya ang ibig sabihin noon. This time, I've gone rogue. Hindi na ako nawawala dahil may amnesia ako at itinago ako ng tarantadong Declan Laxamana na iyon. Ngayon, nagtatago na ako dahil desisyon ko na ito. Kailangan ko munang gawin ito bago ako bumalik sa totoo kong buhay.
Nagri-renta ako ng maliit na apartment sa labas ng village ng Sienna Leone Village. Maliit lang ito na sakto lang para sa aking nag-iisa. Nakakalat sa harap ko ang mga files tungkol kay Kassandra Carbonel. Ang mga litrato niya. Ang litrato ng mga anak niya at ng asawa niya. Nalaman kong dating agent din ang asawa niya kaya sigurado akong mahihirapan akong lumapit sa kanila. Kailangan kong magkaroon ng plano at ilang linggo ko ng pinag-isipan kung paano gagawin iyon.
Marahan kong hinilot ang ulo ko at dinampot ang litrato ni Kassandra. Ito ang ayaw ko sa sarili ko. Once na mayroon akong gustong alamin, I've become obsessed to know more about it. Katulad ng nangyari kay Declan. I've become so obsessed to find him and kill him, but in the end, I've found myself falling in love with that asshole.
Inis kong binitiwan ang litrato at napahilata sa matigas na upuan. Tumingin ako sa kisame at napapailing. Ano ba itong ginagawa ko? Bakit kailangan ko pang alamin kung sino si Kassandra? She got a life. Happily married with kids. Hindi ko na dapat iniintindi. Pero sa tuwing maiisip ko kung gaano minahal ni Declan ang babaeng ito, sumasakit ang dibdib ko. Siguro noong mga panahong may amnesia ako, ginamit niya ako para isipin na si Kassandra ang kasama niya kaya ipinagamit pa niya sa akin ang alias ng babae. All the while he was looking at me, kissing me, fucking me, he was thinking about her. It was never about me.
He loved Kassandra. He was willing to risk everything for her.
Kung puwede ko lang baliin ang leeg ni Mervin nang sabihin niya iyon ay ginawa ko na. Mabilis kong pinahid ang luha na tumulo sa mga mata ko. Iyon ang mas masakit. Dahil hindi niya nakuha ang babaeng gusto niya, gumawa siya ng iba at ako ang ginamit niya.
You helped me realize that after a painful heartbreak, there is still someone who could open up my heart. It was you.
I remember Declan told me that. Lies. He needed to lie to me because I was pointing a gun at him.
When we made love. It was real.
Fucking asshole! More lies! Lahat ng sinabi niya sa akin puro kasinungalingan.
Inis kong dinampot ang baril at itinutok ko sa litrato ni Declan na nasa mesa. I should have pulled the trigger when I had the chance. Sa isip ko ay paulit-ulit ko siyang minumura. Puro kasinungalingan ang sinabi sa akin ng lalaking ito. Galit na galit ako sa sarili ko sa tuwing maaalala ko kung paano ako nagpakagaga sa kanya. Kung paano ako magmakaawa sa kanya na sabihin sa akin kung sino ako at ano ang nangyari sa akin noong wala akong maalala. Naisahan pa ako ng tarantado. I let him fucked me. Shit!
Napabuga ako ng hangin at pilit kong kinalma ang sarili ko. I needed to plan this properly. Hindi mga ordinaryong tao ang idi-deal ko. Sigurado naman ako na pagkatapos ng ilang linggo kong pagla-lie low, hindi na ako hinahanap ng agency at maluwag na rin ang mga taong pupuntahan ko.
BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
RomanceOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...