Unspoken feelings are unforgettable. - Andrei Tarkovsky
-------------------
Declan's POV
Nakatitig lang ako sa files na laman ng usb na ibinigay sa akin ni Ghost. Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko bai yon. Hindi ko alam kung handa ba akong malaman ang katotohanan sa sinasabi sa akin ng tatay ko tungkol sa pagkamatay ni mommy. Pero kitang-kita ko ang pagsisisi sa mukha niya kanina. Walang bahid ng pagsisinungaling ang mga sinasabi niya. Huminga ako ng malalim marahang hinilot ang ulo tapos ay binuksan ang file na naroon.
Napangiwi ako nang makita ko ang video. It was the same video that the agency got. I watched this hundreds of times. I watched how my mother died in the hands of my father. Hindi ko na kayang panoorin pa uli ito kaya ini-exit ko na lang agad. Nakita ko sa file na mayroong audio clip. Isinaksak ko ang headphones sa laptop para mas marinig ko ng maayos kung ano man ang nasa audio clip na iyon.
Napakunot ang noo ko. It was a conversation between my mom and dad. I could sense nervousness on my mother's voice. She was telling my father that the mission went south. She was telling him that Gonzago made her. He knew that she was an agent.
Napadiretso ako ng upo nang marinig ko iyon. Naririnig kong may isang lalaki ang sumisigaw sa background.
"Putangina ka! Niloko mo ako! Akala mo maiisahan mo ako? Mas matalino ako sa iyo!"
I could hear commotion on the background. Then it was my father's voice.
"Papasukin ko kayo. I could take him down."
"Huwag! Huwag mong gagawin, Greg. Pabayaan mo ako dito. Si DJ. Nasaan si DJ?"
Napalunok ako. Nanginginig ang boses ni mommy. Ang ingay ng nasa paligid niya. Nagsisigawan. Nakakarinig din ako ng mga putok ng baril.
"Linda, damn it. I could take him." Dama ko ang pag-aalala sa boses ni daddy.
Wala akong sagot na narinig. Nagkakagulo pa rin ang background. Naririnig ko ang daddy ko na nag-uutos sa mga tao sa agency. Hanggang sa marinig kong nagmumura na si daddy.
Malakas na iyak na ni mommy ang naririnig ko.
"Greg, it's fine. Don't worry about me." She was crying when she was saying that. "This is goodbye. We will see each other soon. Everything will be fine, love. It should be me. Our son doesn't need to pay for all our sins. It should be me." Pagkasabi noon ay humahagulgol na si mommy.
"Linda, huwag. Huwag, please. Hindi ko kayang gawin. Huwag ganito. I could take Gonzago. I could take him now," nanginginig na rin ang boses ni daddy.
"Stop it. Don't cry, Greg. Don't cry. This is the only way. I live long enough to love you and see our son grow as a fine young man. I could die peacefully knowing that we raised him well. DJ has a bright future ahead of him and I can't take that away."
"No! Just move your head I could take him now. I will kill that son of a bitch. Linda, please. Don't make me do this." Ngayon ay umiiyak na si daddy.
"He will kill our son. I cannot allow that to happen. He found out about him and someone is going to take him down if you kill Gonzago. He made me choose whom to sacrifice. Is it me or DJ. And I am choosing my life. Please, Greg. Take the shot now." Sa pagkakataong ito ay ang kalmado na ng boses ni mommy. Parang handang-handa na siya sa kung anong mangyayari sa kanya.
Malakas na hagulgol ang narinig kong sagot ni daddy. Alam ko ang senaryo na ito. Ito 'yung paulit-ulit kong sinasabi kay daddy na ako na ang babaril kay Gonzago at sinasabihan niya ako na huwag akong gagawa ng kahit na anong hakbang.
BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
RomanceOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...